Hannah's PoV
Heto ako ngayon naghahanap ng pede naming panoorin habang hinihintay si Karen.
Lumapit ako kay Hayley at tinanggal ang earphones sa tenga niya.
"Nasan nakalagay yung mga tapes na movies?" Tanong ko sa kanya.
"Andyan sa drawer ilalim ng TV. Bakit manonood ka?" Sabi niya sabay tanong.
"Obvoius ba? Malamang!"
"Nukajan? Tinanong lang kita eh. Sino kasama mo manonood?" Tanong niya ulet.
"Pupunta si Karen. Bibisita daw, bibili ng snacks kasi manonood kami." Sagot ko sa kanya.
"Aahh... pede pasali?"
"Huwow! Ngayon ka lang ata tumigil kakanood ng k-pop ahh? Credits naman sakin diyan!"
"Utot mo Ate! Malamang sa alamang! Tumitigil rin ako minsan! I know my limitations too ya'know?" Sabi niya saken. Tapos tumayo papuntang drawer dun sa baba ng TV namin.
"Limitations limitations ka pang nalalaman!" Sabi ko at tinulungan narin siyang maghanap.
"Ano ba papanoorin natin?" Tanong niya habang naghahanap na pwedeng panoorin na tapes.
"Gusto ko sana TMNTOTS eh." Sabi ko sa kanya.
"Ang alam ko meron nun dito eh." Dagdag ko.
"Anong klaseng movie yang pinagsasabi mo?! Ano? TMTNO-- Ano?!"
"Pede ba? Tigil-tigilan mo yang kakasigaw mo? Nakakabingi kang bata ka!" Sabi ko sa kanya.
"Eh anong ba kasi yun?" Tanong niya ulet.
"Teenage Mutant Ninja Turtles Out of the Shadow."
"Ahh-- wait i think nakita ko yan dito kanina!" Sabi niya sabay kalkal dun sa mga tapes.
"Tadaaaa~~ found it!" Kinuha ko kagad sa kamay niya yung tape at nilagay sa maliit na table sa harap ng TV namin.
"Ok ligpit na natin to." Tapos niligpit na namin yung mga kalat namin.
"Hintayin nalang natin si Karen. Bumili pa ata ng snacks yun." Sabi ko sa kanya.
"Geh.. manonood nalang muna ako dito." K-pop yan for sure.
"Sige lang." sabi ko at pumunta sa kusina at nakita si Manang Jovy.
Pumunta ako sa ref namin at kinuha ang tubig at baso. Nauuhaw ako eh.
"Hannah.." tawag saken ni Manang.
"Bakit po?" Tanong ko sa kanya.
Nilagay ko sa lababo yung baso at nilagay ulet sa ref ang tubig. Lumingon rin ako kay Manang.
"1 buwan na ang bakasyon niyo ah? Dun parin ba kayo sa dati nyong school?" Tanong niya saken.
Umupo ako dun sa counter.
"Di ko nga rin po alam eh. Gusto ko rin naman pong lumipat. Wala rin naman po kasi kaming ka-close dun sa dati naming school." Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pinky Promise
RandomAno nanamang pinagsasasabi nitong lalakeng to? Siya daw si JD? Is he kidding me? Ang kapal nang mukha niyang sabihin niyang siya si JD! As far as the Universe know.. nasa ibang bansa na si JD! Teka pede naman silang bumalik ah? Duuh? Pero napaka-im...