CHAPTER 3

4 0 0
                                    




Chapter 3


Chloe P.O.V


Nagising ako sa sinag nang araw dito sa kwarto ko. Bumangon na ako at ginawa ang mga Morning rituals ko. Linggo ngayon at Wala kaming pasok.

Pagbaba ko sa salas ay dumiretso ako sa kusina. Nadatnan ko si mama na nagluluto. Day off Niya ngayon panigurado well, palagi naman sa tuwing linggo Ay Wala ring pasok si mama.

"Oh anak! Gising ka na pala, hintayin mo Lang ang linuluto ko malapit na 'to!" Masayang sabi ni mama nong makita Niya ako.

Himala ata ngayon at Wala pa yong ampon dati rati naman Ay mas nauuna siyang magising kesa sa amin ni mama. Mabuti nalang at Hindi bwisit ngayon ang umaga ko Hindi ko siya nakita paggising ko e.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan dito sa kusina at binuksan ko ang messenger sa phone ko. Madami na naman ang mga nagmessage sa akin. Inuna kong binuksan ang mensahe ni Bella na kakaonline Lang din katulad ko.

From: Bella Bayubay

Bes! Lalabas daw tayo ngayon Sabi ni Sab. Are you free ba today?

To: Bella Bayubay

Diko pa alam, day off kasi ni mama baka lalabas kami ngayon.

Diko na hinintay pa na magreply siya kasi biglang nag message si crush e! Yiiii~

From: Kyron Flores

Hello chloe! Are you free today?

Shit! Waaaaah! Kilig na kilig na ako dito sa kusina! Mabuti nalang talaga nakatalikod si mama sa akin.

To: Kyron Flores

Hello din! Hindi ko pa Alam e. Bakit ba?

Hindi ko Alam kung lalabas kami o Hindi. Pero kung lalabas kami. Hindi ako makikipagkita kay kyron no! Kahit na crush ko siya Ay, ayoko pa ang nakikipagkita sa mga lalake pwera na lamang kung kaibigan ko siya.

Ilang sandali pa lamang Ay naririnig ko na ang yabag nang mga paa nong ampon. Bakit ko nalaman? Syempre kami Lang tatlo dito sa bahay. Tsk!

Sakto namang tapos na si mama "Christine halika kumain na tayo!" Masayang sabi ni mama habang kumukuha nang pinggan para kumain ako naman Ay tinago ang phone at kumuha narin nang pinggan.

nasa kalagitnaan na kami nang pagkain nang biglang tumayo si christine na nagtungo sa lababo upang sumuka. "Anak ayos ka Lang ba? May sakit ka ba" nag aalalang tanong ni mama sabay hagod sa mga likod nito. The Mother and The Ampon lang ang peg! Bwisit! Umakyat na ako sa kwarto ko at natulog na Lang ulit. Ayokong lumabas ngayon at maggala kasama mga kaibigan ko tinatamad ako.

1:00 pm nagising ako. Tapos na pala tanghalian. Pagbaba ko sa sala nakita ko si Christine na nanonood nang TV at kumakain nang mangga na maasim at may sawsawan na suka! The f! Anong trip nito sa buhay!

Umupo ako sa sofa malayo sa kaniya. Like duh?! As if naman gusto ko siyang katabi? Over my dead and sexy body!

Habang nanonood kami Ay bigla siyang tumayo at nagpunta sa kusina. Pagbalik Niya Ay mga na slice na maasim na mangga na nabudburan nang Nutella. "Shit! That's mine!" Agaw ko sa Nutella.

Inagaw din niya at tinapunan Niya ako nang masamang tingin. "Akin to! Ako kumuha nito sa ref!" Sigaw Niya. Bwisit Neto!

"Ang akin Ay akin! Bakit ba parati mo na Lang akong inaagawan? At ngayon sinisigawan mo na ako! Ha! Ano ang ipinagmamalaki mo?! Iyang pagiging ampon mo?! Bullshit ka!" Kinakalaban na Niya ako ngayo a. Kaya na Niya ako? Pwes.

"Sorry" sabi Niya nang nakaluhod sa harapan ko. Tsk! Linagpasan ko siya at umalis na nang bahay. Ayokong magtagal sa loob nang bahay kasama nong nakakabwisit na ampon ni mama.

Nagtaxi ako at pumuntang bar tinext ko na ang apat at sila pa ang nauna dito. As usual.

"Bes dito!" Kumakaway kaway pa si Sabrina sa table nila at agad naman akong pumunta sa pwesto.

"Ano ba problema?" Pabungad na tanong sa akin ni Heidi kakaupo ko palang.

"Don't tell me yong ampon nang mama mo?" Si Bella naman iyong nagtanong pa.

"Ano na naman ba ang inagaw Niya?" Tanong din ni Nhoimie.

"Actually Wala siyang inagaw kanina. Sinagot sagot Niya ako at sinigawan pa! Imagine that? Kaya na Niya akong kalabanin!" Pagkasabi ko non Ay inagaw ko kay Sab ang bote nang Alak.

"Really? Ano ba ang pinag awayan niyo?" Si Sab na kumuha nang bote nang alak na kapalit nong kinuha ko sa kaniya kanina.

"Yong Nutella ko inubos Niya" pagkasabi ko non Ay "HAHAHAHA!" sabay sabay nilang tawa. Psh! Hindi ko sila kaibigan promise!

"Pfffft! Sa Nutella Lang talaga kayo nag away no?" Hindi makapaniwalang tanong ni Heidi na pinipigilan pa ang tawa dahil alam niyang badtrip ako.

"Bwisit Oo! Ang saya niyo! Kaibigan niyo ako pero pinagtatawanan niyo ako!" Sabi ko at inubos ang laman nang bote.

"E kasi naman po, pangbata Lang po ang pag awayan niyo ang isang Nutella." Sabi ni Sab sa bored na tono.

"Ayon na nga, kaya na Niya akong labanan ngayon! Hindi ko Alam kung Saan Niya nakukuha ang lakas nang loob niyang kalabanin ako!" Gigil ko sa hinahawak kong bote nang alak.

"Baka may ipinagmamalaki na siya bes!" Sabi ni Bella na nakipag apir pa kay Sabrina.

"Ewan ko. Basta inom na Lang tayo" pagkasabi ko non Ay tumawag pa sila nang waiter at umorder nang maiinom.

Nagpakalasing at nagpakasaya nalang kami sa bar.

HALF (on-going)Where stories live. Discover now