CHAPTER 5

5 0 0
                                    





Chapter 5


Chloe P.O.V


" hello mama I miss mama mama I miss her baby baby I miss your baby baby love baby mama mama I miss your baby mama mama love me mama love mama so I love mama so—"

"Punyeta Bella! Nababaliw ka na naman!" Pinutol ni Heidi ang kabaliwan ni Bella actually kanina pa siya e. Diko Lang pinapansin kasi may iniisip ako.

"Pake mo Gago! Nabobored ako e kanina pa kayo diyan na naka tunganga di niyo naman sabihin ang pinagusapan niyo kaninang Wala ako!" Pagmamaktol ni Bella kay Heidi

"Nag iisip kami huwag istorbo!" Sigaw ni Nhoimie na with matching paduro duro pa sa sentido Niya

"Ay WOW! May isip ka pala?" Painosenteng tanong ni Bella na nilagyan pa nang may pagkasarkasmo ang boses Niya

"Meron! Kaya mamaya na namin sasabihin sayo" sagot ni Nhoimie na nagpanguso pa lalo kay Bella

"Sabihin niyo na para magisip din ako" pangungulit Niya sa amin

"Oh! May isip ka rin pala?" Pambasag din ni Sab

Hindi na Niya pinansin at umirap nalang saka bumaling sa akin "Chloe ano ba problema na naman?" Tanong Niya sa akin

"Wala trip lang nilang mag isip" walang buhay kong sagot sa kanya. Wala ako sa mood ngayon sa mga Walang sense kagaya nila mabubwisit Lang ako.

"Tsk! Makaalis na nga may date pa ako!" Sigaw Niya na umaaktong aalis na talaga siya

"Gago! Wala ka pang boyfriend bawal yon sa ating mag babarkada diba?" Pigil ni Heidi. Bawal nga talaga sa aming Lima ang magkaboyfriend. Hanggat may trabaho na kami

"Wala nga mama ko naman ka date ko a" Sabi Niya tumango na Lang kami.

"So ano na? May lakad pa ako mga bes aalis na ako" Sabi ni Heidi kaya tumayo na kami at sumabay na sa kaniya

"Edi umalis na tayong lahat" Sabi ni Nhoimie kaya ayon nga tuloy tuloy na kaming umalis




Nakarating na ako dito sa bahay at naabutan ko na andito na yong ampon na nagpapasakit ngayon nang ulo ko.

Hindi ko na ma kontrol ang mga gagawin ko bigla na lamang akong sumugod sa kanya at sinampal sa magkabilang pisngi niya

"Ang kapal nang mukha mo!"
Sigaw ko sa pagmumukha niya

"Chloe anak tama na" mahinahong awat sa akin ni mama

"Kung ano man ang nagawa ko sorry. Pero Hindi ko alam ang nangyayari, nagugulohan ako!" Sinabi niya habang umiiyak

"Hindi mo Alam? Bullshit ka! Buntis ka Gago!" Saka ko siya dinuro duro

Flashback

Andito kami sa hospital room nong ampon ni mama hinihintay ang sasabihin sa amin nang doctor.

"Normal lang ito na mangyari sa kanya, kadalasan kasi nahihilo talaga ang mga buntis—" pinutol ko ang sinasabi nang doctor nong marinig ko iyon

"What?! Buntis? That's bullshit!" Sigaw ko at umalis na hindi ko na hinintay ang isasagot nang doctor kasi malinaw na sakin na buntis siya.


End of flashback


Kitang kita ko sa mga mukha Niya ang pagkagulat. "Oh! Ngayon magugulat ka? Surprise mo ba ito sa amin? Bakit ikaw ata na surprise? Akala ko ba mabait ka? HAHA! Nagpapatawa ka? Ganyan ba ang study hard? Nabubuntis? Nakakagago pala!" Umaakto pa akong natatawa pagkasabi ko non

Umalis na ako at pumunta na sa kwarto ko. Pabagsak kong isinara ang pinto at pabagsak din akong humiga sa kama. Itutulog ko nalang tong pagkabuwisit ko sa ampon na yon!





Pagkagising ko Ay bumaba na ako at pumunta sa kusina nagugutom ako. Naabutan ko doon yong ampon na nagluluto napa "tsk" nalang ako at nagderetso sa ref nakita ko doon ang Nutella kaya kinuha ko at kumuha din ako nang slice bread.

Habang gumagawa ako nang nutella sandwich Ay tumingin ako kay ampon at kinausap sisters talk? Tsk eww! "Sino ama nang batang iyan?" Walang ekspresyon nang mukha ko na nagtatanong sa kaniya

"Yong boyfriend kong si James" tinignan niya ako na may namumugtong mga mata tsk ampangit!

"Alam ba Niya?" Tanong ko ulit

"Hindi pa kakausapin ko pa siya" sabi niya at kinuha ko na ang pagkain ko tinalikuran ko na siya at pumunta na akong salas

Ayokong kinakausap siya nang matalagan ma ha-highblood lang ako sa kanya. Binuksan ko na ang TV at umupo nang maayos.

Matapos akong kumain ay lumabas ako nang bahay pumunta ako sa garden ni mama minsan dito ako tumatambay lalo na kung may problema ako. Nakita ko si mama na naglalakad palapit sa akin kaya umayos ako nang upo

"Anak magusap tayo kung gusto mo at kung makikinig ka na sa akin" pagkadating ni mama ay iyan na ang sinabi Niya

"Ma, kahit na anong sabihin mo hindi ko pa rin siya matatanggap lalo na ngayon buntis siya." Hindi ko Alam pero parang naiiyak ako

"Anak ko, matanda na kayo bata palang kayo magkasama na kayo, ngayon na matanda na kayo hindi mo parin siya matanggap? Ngayon na may laman na ang tiyan na bata? Anak hindi ka na bata, tanggapin mo nalang siya at ang magiging anak Niya" sabi ni mama na hindi ko maipasok sa isipan ko.

"Mama bakit ba kelangan ko pang tanggapin siya? Alam kong matanda na ako. Alam ko ma! Pero mama naman palagi nalang kasi akong may kahati at siya pa! Ma mahal mo ba ako?" Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at tuluyan nang bumagsak.


"Oo anak mahal kita, mahal na mahal alam mo ba noong namatay ang papa mo? Nasaktan ako at ayoko nang ikaw pa ay mawala sa akin. Anak noong nalaman kong magisa nalang si Christine kasi namatay na ang kanyang mga magulang Ay inampon ko siya. Anak Alam mo ba ang sakit na mawalan nang mahal sa buhay? Anak papa mo ang nawala, e siya mama at papa. Anak Ano ba ang naramdaman mo noong namatay ang papa mo? Diba masakit? Anak tanggapin mo na si Christine bilang pamilya natin"  pagmamakaawa sa akin ni mama

Hindi ko siya sinagot at yumakap na lang ako sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HALF (on-going)Where stories live. Discover now