CHAPTER 1

19 0 0
                                    






Chapter 1





Chloe P.O.V


"Gising na Chloe, may pasok pa tayo" guess who? Ang ampon Lang naman ni mama ang may lakas nang loob na storbohin ako!

Bumangon na ako at kinusot kusot pa ang mata ko nakakabuwisit Lang talaga ang umaga ko ngayon!

"Mauna ka nang pumasok tsk!" Pagsusungit ko sa kanya well, sanay na siya sa ugali kong pagsusungit sa kaniya dahil kung subukan niyang kalabanin ako, babaliktarin ko siya kay mama at pagpipiliin kung Sino sa aming dalawa!



"Sige kumain ka bago ka pumasok a?" Napa tsk! Nalang ako as if naman susundin ko siya? Late na kaya ako! Feeling naman Niya ate ko siya.


Pagkatapos kong mag Ayos Ay bumaba na ako. Gaya nang dati Wala na si mama kasi may work. Lumabas na ako at nag abang nang masasakyan na bus. Hays 5 minutes nalang malelate na ako. Lintek dapat pala pinaghintay ko yung ampon na yun para damay siya na late!



Christine P.O.V




Hayys! Late na naman yong babaeng yun. Araw araw nalang ganyan siya di na siya nagbabago. Kahit na sinusungitan ako ni Chloe iniintindi ko na lamang siya napamahal na nga ako sa kanila ni mama Roselyn. Laking pasasalamat ko nalang inampon nila ako kung Hindi Lang Hindi ko na Alam kung Anong klase nang buhay ko ngayon baka illegal drug addict na ako o kaya naman member na ako nang mga gang o kaya naman nakatira na ako sa kalye at nagpupulot nang basura.


I thank God he is always there for me
Ilang minuto na Lang late na ako kinausap pa kasi ako nang mga kamag aral ko para sa mga activities e.


"Hello babe! May klase ka ngayon?" Hayys isa pa ito. Oo may boyfriend ako Hindi Alam Nina mama at Chloe Hindi ko naman nakekwento sa kanila dahil di naman ganun ka close at di naman nagtatanong.

At Baka kausapin ko si mama baka makita pa ni Chloe mas lalo pang magalit siya sa akin.


"Oo babe may mga inaasikaso pa kasi kami e." Sabi ko sa kaniya at sabay na kaming pumunta sa classroom di kami magkaklase ihahatid lang Niya ako

"Labas tayo mamaya babe?" Nakangiting Sabi Niya habang nakasandal ako sa malapit sa room ngumiti ako sa kaniya.

"Sure babe!" Tapos hinalikan ako sa pisngi.


Pumasok na ako sa room at saktong may teacher na pero dipa Niya sinisimulan magturo. Mga nagtsitsismisan Lang sa Tabi tabi pero ako andito Lang sa Gilid pinagmamasdan ko lamang sila.


Ilang saglit Lang nagumpisa na siyang magturo nakikinig Lang ako at nagtetake notes nang biglang bumukas ang pinto nang classroom Ay tumambad doon si Chloe . Mag kaklase kasi kami




"Late ka na naman ms. Ragasa! Kelan ka magbabago? Tignan mo nga kapatid mo! Mabait! Palaging maaga! Tahimik! At higit sa lahat magaling!" Tinignan nila ako nang mga kaklase ko at ni Chloe nang masama dahil sa pagkokompara na naman sa akin nang teacher namin.


Yan ang pinaka ayaw ko sa lahat yung ikompara kami ni Chloe. Wala naman akong ginagawa a! Tsaka ayokong magalit siya sa akin!

Padabog naman siyang umupo sa may harapan ko. Tumungo na lamang ako at nagsulat na naman. Kelan kaya matatapos ang paghihirap kong ito?



Natapos na ang klase at gaya nang dati di ako pinapansin ni Chloe.

Wala na akong klase kaya nagtungo ako sa tagpuan namin ni James yong  boyfriend ko. Nandito na ako sa field nong makita ko siyang naglalaro nang soccer. Nakita din Niya ako kaya kinawayan ko siya para lumapit sa akin.

"Saan mo gustong pumunta ngayon babe?" Tanong Niya at umakbay pa sa akin. Medyo kinilig naman ako hihi!



********

Natapos na kami ni James nag date Diko Alam kung date ba  yun o Hindi.


Kakatapos ko Lang magluto papunta na akong kwarto ni Chloe  upang tawagin siya upan kumain. Hindi naman sa señorita siya kasi may ginawang schedule sa amin ni mama simula pa Nung magdalaga kami. Trabaho ko ngayon ang magluto at si Chloe naman ang maghuhugas nang mga pinag kainan.



Binuksan ko na ang pinto nang kwarto Niya. Naka headphone siya at nakapikit kaya di Niya napansin na andito na ako sa loob nang kwarto Niya. Kumatok nalang ako sa pinto at nakuha ko naman ang atensiyon niya.


"Kain na tayo parating na rin si mama" nakangiting Sabi ko sa kanya at syempre na pa tsk nalang siya at sumunod naman nauna na siyang bumaba nilagpasan pa nga Niya ako e.  Pero hayaan nalang



"Hello girls!" Masayang bati ni mama sa amin pagka kita Niya sa amin.


"Tara na ma, Kain na tayo" tapos inayos ko pa ang upuan ni mama

Nasarapan si mama Sa Luto kong ulam dahil favorite Niya ang caldereta sila ni Chloe Alam kong nasarapan din siya di Lang Niya pinapahalata.


Natapos na kaming kumain at iniligpit na ni Chloe ang mga pinagkainan ako naman Ay nagderetso na sa kwarto ko medyo parang mabigat kasi ang katawan ko ngayon e gusto kong matulog nang maaga.

HALF (on-going)Where stories live. Discover now