CHAPTER 4

5 0 0
                                    





Chapter 4


Christine P.O.V

Hindi ko Alam kung Bakit ako nagalit nalang nang ganoon kay Chloe kahapon. Lunes ngayon at late akong nagising. Hindi ko din Alam kung Bakit parati nalang napapasarap ang tulog ko at yon din ang dahilan kung bakit late ako ngayon.

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom actually pang second period na ang pasok ko ngayon late na ako sa first. Malamang!

Hindi na ako nagulat nang mapatingin sila sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom e syempre bago sa kanila ito na makita akong late pumasok palagi kasi mas maaga pa ako sa kanila.

Tinignan ko si Chloe na nakatingin pala sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip Niya.

"You are late Ms. Christine! Bakit anong nangyari at si Chloe na ang nauna sayo dito sa klase ko at Hindi na ikaw? May problema ka ba?" Pabungad sa akin nang teacher namin. Gaya nga nang Sabi ko bago sa kanila ito.

Ano ba kasi ang problema ko? Bakit nangyayari ito sa akin? Ang Alam ko Wala naman a. Okay naman ako iyon nga Lang at nagsusuka na naman ako kaninang umaga kaya na late ako. Mabigat din ang katawan ko.

Natapos na ang klase namin at lahat lahat. Mag isa ako ngayon na naglalakad palabas nang campus nang bigla akong nahilo Wala akong kakapitan o masasandalan man Lang. Nag iikot na ang paningin ko Hindi ko na kaya shit! Naramdaman ko nalang na bumagsak na ako sa sahig at nakita ko pa ang mga nagtatabuhang mga studyante palapit sa akin at may sumigaw pa na "Chloe bes! Kapatid mo patay na ata!" At Hindi ko na Alam ang mga sumunod pa na pangyayari dahil tuluyan na akong nawalan nang Malay.


Chloe P.O.V


Hindi ko Alam kung ano ang nangyayari sa nagkukumpulang mga studyante nang biglang sumigaw si Sabrina. Gago talaga neto tsismosa!
"Chloe bes! Kapatid mo patay na ata!" Shit yong ampon ni mama!
Dali dali na din akong tumakbo Kahit na skater skirt ako.

Pagdating ko doon Ay binuhat na nila "Dalhin niyo siya sa hospital dali!" Sigaw ko sa bumuhat at sumunod ako sa kanila.

"Nice! Concern siya sa kapatid Niya. Aww ang sweet Lang ni sister!" Pagpaparinig sa akin ni Bella na Hindi ko namalayan na sumunod pala sila sa akin. Papunta kami ngayon sa parking lot pupunta kami sa hospital.

"Gaga Hindi!" Sigaw ko sa kanya. Syempre mahal ko si mama kaya ayaw ko siyang nag aalala para Lang sa ampon Niya at saka masakit ding isipin na nag aalala siya no! Kaya uunahan ko na siya.

"Aysus! Kunware ka pa!" Si Nhoimie naman na binubuksan na Niya ang pintuan nang hummer Niya.

"Like duh?! Just shut up!" Sigaw ko nalang at sumakay na. Mababadtrip Lang ako pero badtrip na talaga ako





Christine P.O.V



Nagising na ako dito sa isang kwarto na sobrang tahimik at air con Lang ang naririnig. White na walls at may ilaw sa taas. Nasaan ako?

Ilang sandali pa Ay narinig ko na ang pag bukas at pagsara nang pinto. Naramdam ko nalang na may umupo sa kama nang tignan ko Ay si mama Roselyn na umiiyak.

"Mama Bakit? Nasa hospital ba ako? May malubha ba akong sakit?" Sunod sunod na tanong ko kay mama Roselyn

Umiling naman siya at pinunasan ang mga luha Niya at pinilit na ngumiti. "Oo anak andito ka sa hospital, Wala Lang malubhang sakit" natatawang sagot ni mama Kahit na Alam kong pilit Lang iyon

"Mama Bakit ka umiiyak?" Tanong ko ulit sa kaniya pero parang Hindi Niya Alam ang isasagot.

"Magpahinga ka muna anak saka ko na sasabihin kung bakit. Magpalakas ka ha? Mahal na mahal ko kayo ni Chloe" sagot Niya na ikinangiti ko pero Hindi ibig sabihin non na nakalimutan ko na ang mga katanungan ko sa kanya.

"O heto anak kumain ka muna damihan mo ha?" Natawa naman ako sa sinabi ni mama.

"Mama naman! Para naman akong bata niyan. Syempre ma dadamihan ko gutom na ako e haha" Sabi ko at kinuha na ang naka Tupperware na caldereta.

Bigla ko na Lang inilayo sa bibig ko ang isang kutsara na puno nang ulam. Bigla kasing parang babaliktad na ang laman nang tiyan ko. Dahil sa Amoy Ayoko nong amoy nang ulam na caldereta.

Biglang lumungkot ang mukha ni mama Roselyn "Bakit anak Hindi ba masarap? Sige kumain ka nalang nang prutas. At iniabot nga sa akin ni mama ang mansanas.

Habang kumakain ako Ay lumabas si mama. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung paano ba ako napunta dito.

Inubos ko na ang kinakain ko at kinuha ko ang phone ko sa bag ko. Itetext ko nga si James baka hindi pa niya alam na andito ako sa hospital.

Ilang oras na wala parin siyang reply. Hayst! Baka wala siyang load ganun yon minsan e tinatamad magload kaya tumatawag ako. Tatawagan ko nga.

The number you have dialed is unattended or out of coverage area try your call later.

Shit! Bakit? Inulit ulit ko panag tawagan pero Hindi pwede e. Namimiss ko na siya. Baka low battery lang siya.

Ibinalik ko na ang phone ko at natulog na ako ulit.

HALF (on-going)Where stories live. Discover now