Chapter:10

9 0 0
                                    

[Miranda's POV]



Naramdaman ko ang paghapdi ng mga katawan ko dahil sa itinamo kong mahika galing Kay Ina.. Di ko alam kong bakit ko toh ginawa... Kung bakit niligtas ko pa si Niel.. Sinunod ko lang naman kasi ang dinikta ng puso ko.. Ehhh?? Ano ang ibig sabihin nito? In love na ba ako sa kanya?




"B-b-bakit mo ginawa yun? " sabi ni Ina..




"Kasi gusto ko sya!!! MAHAL ko sya!! "



"Hindi! Hindi yan maaari! Isa syang mortal! "





"Nangyari na nga Ina.. Mahal ko na sya.. At wala kanang magagawa!"





"Anong wala? Hah! Meron!! Kung yan lang din naman pala ang mangyayari ay Mabuti nang bumalik kana lng sa ating kaharian!! Mag sasanay ka ulit at maari mong makalimutan ang lahat! "





"Hindi! Hindi na ako babalik pa dun! Gusto ko nang normal na pamumuhay! "





"Mamili ka!!!! Ang pagbalik mo sa kaharian... O ang buhay ng lalaking yan! Pag isipan mong Mabuti Anak... "





"M-miranda.. " nagsalita si Niel... "M-mahal? Anong ibig mong sabihin?"





"Nababawasan ang pagka demonyo ko dahil nagkakagusto na pala ako sa Isang tao Niel... At ikaw yun" sabi ko habang hinahawakan ang pisngi nya... Tumulo naman ang luha nya at niyakap ako ng mahigpit..





"Maha-----" naputol na sabi ni Niel dahil nagsalita si Ina..





"Tama na yang ka dramahan nyo! Ano na? Naiinip nako!!! "





"S-sasama..... Ako sa inyo.. " malunkot kong sabi.





"Ano? Miranda!! " sabi ni Niel





"Wala akong choice Niel... Kailangan mong mabuhay"






"Ayan naman pala ehh!! Halika na! " at inialok ni Ina ang kamay nya... Sobrang sakit sa pakiramdam... Parang sasabog na talaga ako ngayon..





"Miranda!!!! " yan ang huling salitang narinig ko galing sa taong mahal ko.. Dahil pumasok na kami sa portal pabalik sa lugar kung san ako dapat... Paalam Niel! Paalam Mahal ko! Pero pangako.... Balang araw! Babalik ako dito!

Im inlove with a Devil PrincessWhere stories live. Discover now