Chapter 22:

3 0 0
                                    

[Niel's POV]

Umuwi kami kaagad sa bahay para makausap ni Liliana si Nanay Loring at maliwanagan kung ano ngaba ang totoo

Maya maya pa ay nasa bahay na nga kami at saktong nandito si Nanay

"Ohhh Niel, Liliana nandito na pala kayo" bati ni nanay


"Nay sagutin mo nga ang tanong ko! " dire-diretsong sabi ni Yana
"Patay na ba talaga si Tatay? " dagdag pa nya... Di nakasagot si nanay sa tanong na yun ni Yana
"Nay sagutin mo ako!! " sigaw ni Liliana

"Nakita mo sya? Oo buhay pa nga sya! Buhay pa sya! " hah? Buhay talaga?

"Ipaliwanag nyo po sakin kung bakit----kung bakit kayo nagsinungaling sakin.. Samin ni amber.. Bakit nay? Bakit? " sabi ni yana

"May babae ang tatay nyo kaya ng dumating sa punto na pinapili ko sya ay mas pinili nya ang isa nyang pamilya... Alam mo ba kung bakit? Dahil sawa na sya sa pagiging mahirap" 

"Eh bakit po nang tinanong ko sya ay hindi nya ako kilala"


"Sinabihan ko syang kalimutan na nya kayo"


"Bakit nyo ginawa yun?!!! " naku galit na si Yana at nag walk out pa


"Ano nay? Hindi pa patay si tatay? " nagulat ako ng may nagsalita kaya tumalikod ako at si Amber pala ito.. Patay.. Nalaman na din nya




•••

One month later na din ng mangyari ang problemang kinakaharap ng pamilya nila Nanay Loring.. At Hanggang ngayon ay galit pa din si Yana kay Nanay at di nya ito pinapansin.. Parang ako nga ang nahihirapan sa sitwasyon nilang ito ehh..


"ahh Niel mauna na ako hah.. " sabi ni Liliana na naka ayos na para pumunta sa paaralan namin..


"Uhmm segi... " hinayaan ko na lang sya..






[Liliana's POV]




Ngayong alam ko na ang address ni tatay ay pupuntahan ko sya sa bahay nila.. Ayokong basta basta nya lang akong kalimutan.. Ama ko pa din sya


Nandito na yata ako sa tapat ng bahay nila at sila ba yang papasok na sa kotse... Kasama pa si Zelly.. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila



"Tay!!! " malakas kong sigaw

"Liliana? What the heck are u doing here? And bakit mo tinawag na "tay" ang daddy ko? " sabi sakin ni Zelly


"Don't mind her Sweet heart.. Let's go" sabi naman ni tatay pero hinawakan ko sya sa kamay


"Tay ako tohh! Yung anak mo! Alam kong kilala mo pa din ako kaya tay naman pansinin mo ako! " nagmamakaawa ko

"Stay away from my dad" sabi ni Zelly at tinulak ako kaya natumba ako at nagalosan sa siko. Nakita ko namang lumapit sakin si Itay at saka lumuhod


"Dad what are you doing?!! " sigaw ni Zelly pero di sya nito pinansin



"Anak ko... " sabi nya habang hinawakan ang mukha ko at saka ako niyakap ng mahigpit at napahagulhul sya sa pag iyak





[Niel's POV]



"Niel bat di mo kasama si Yana? " sabi sakin ni Tass


"Hah? Eh kanina pa sya nandito ehh. Mauna na sya saakin kanina"



"Ang wierd di namin sya nakita" sabi naman ni Yex na ikinagulat ko.. Ano? Ehh kung wala sya dito nasaan sya?





























Im inlove with a Devil PrincessWhere stories live. Discover now