Chapter 19:

4 0 0
                                    

[Liliana's POV]




Pauwi na kami ngayon sa bahay dahil mag aala-sinko na at wow hah di kami naglakad ngayon



"Niel sagutin mo nga ako! Ano ba ang meron? " syempre birthday ko! Wahah shongga lang bess?


"Wala.. Ginawa ko lang yan Para mag muka kang tao.... " a-ano daw? 
"I mean mas lalo kang gumanda " dagdag pa nya dahil tinarayan ko sya



"Ohh nandito na pala tayo! Pero ba't ang dilim? Naku baka kung ano nang nangyari dun sa loob" bumaba ako at tumakbo ng mabilis pero hinatak ako ni Niel


"Easy ka lang" easy?  Pano mo yun masasabi hah? Baka sinaksak na sina nanay at Amber dun tapos chill?
"Everything's fine"


At ng malapit na kami sa bahay ay napahawak ako ng mahigpit kay Niel dahil sa kaba at napapikit bigla pero nagulat ako ng biglang lumiwanag ang paligid at nakita ko si Nanay at ang kapatid ko na may hawak na mga balloons at yung 7 kapitbahay namin at tsaka ang dalawang klassmate ko? Bakit sila andito? Walang nakakaalam ng birthday ko sa skul maliban kay Niel... At pag tingin ko naman sa mga pagkain ay nasarapan ako at nagutom... Konti lng naman tong handa pero napakasaya kona.. Merong spaghetti, lechon manok, drinks at syempre merong cake




"Anak! Happy birthday! " sabi ni Nanay na ngayon ay lumapit at niyakap ako


"Happy birthday ate! " sabi naman ni Amber at agad akong ki-niss sa pisngi


"Happy birthday Liliana! " sabi ng dalawa kong classmate na kilala ko pero nalimutan ko yung pangalan.. Sino nga ba kayo?


"Ahh yana! Ako nga pala ang nag invite sa kanila " wow hah! Akala nya sya may birthday " sya nga pala si Tassie Fleiyana Joson at sya naman si
Yexiel Brianne Joson... Mag pinsan sila" Ay salamat naman pinakilala mo...

"Uhmm Liliana matagal kana naming gustong maging kaibigan kaso di ka namamansin" sabi ni Tassie


"Ahh.. Hehe mahiyain kasi ako" 



"So friends na tayo? " tanong naman ni Yexiel



"Not friends! Cause Bestfriend na tayo" masigla kong sabi



"Tass na lang itawag mo sakin! That's my Nickname " sabi ni Tassie


"At Yex naman ang sakin!" Sabi ni Yeixel at napatawa kaming lahat.. Pero nasan na si Niel? Nasa tabi ko lang sya kanina tapos wala na sya?


Nagulat ako ng biglang napatay ang ilaw at tumunog ang romantikong kanta at kasabay nun ay may humawak sa kamay ko Pero madilim kaya di ko ito makilala


"Happy Birthday Yana" sabay halik sa kamay ko at kilala ko ang boses nito. Si Niel!


Bumukas ang ilaw at nakita kong nasa harap ang napaka gwapo kong crush na bestfriend na may 18 na pulang rosas sa kamay


"For u my Princess" hah? Ano ulit yun? Di ko Narinig.. Totoo ba toh? Di ba ako nananaginip?

Kinuha ko ang bulaklak na binigay nya at sumayaw na kami.. Limamig ang hangin at tila may pumapatak na likido mupa sa taas at gashhh umuulan pala.. Ng tumingin ako sa paligid ay kinuha nina Nanay ang mga pagkain at pinasok sa bahay Para hindi mabasa.. Pero ako ayokong bumitaw kay Niel


"Niel... Pwede bang ganito lang tayo?" mahinahon kong sabi

"As you wish. We'll dance even if its raining" pumatak ang luha ko ng di ko man lang alam kong bakit.. Tears of joy ba toh?

"Uhmm..... N-niel? " mahina kong sabi



"Ano yun? " 


"Mahal kita... Mahal na mahal kita Niel"



"Mahal din kita Yana" pagkasabi na nun ay nanlaki ang mga mata ko dahil ano? Mahal nya din ako?
"Mahal kita bilang kaibigan ko" dagdag pang sabi nya na nagpasakit sa puso ko.. Bakit? Bakit mo ako sinasaktan?


"Hanggang kaibigan lang ba talaga? "
Sabi ko habang umiiyak at tumigil na sa pagsasayaw

"Yun lang.... Ang kaya ko" pumasok na ko sa bahay di naman nila malalaman na umiyak ako kasi basang basa na ako.. Dapat ang gabing toh ay puno ng saya.. Pero bakit puno ng sakit ang nakuha ko?

Im inlove with a Devil PrincessWhere stories live. Discover now