Chapter 18:

3 0 0
                                    

[Liliana's POV]



Lumipas ang ilang araw at di ko pinapansin si Niel.. Napakasakit talaga kasi yung sinabi nya!
Walang hiya sya!  Birthday ko pa naman bukas!and I'm turning 18 pa hah! Maaga akong nag aral keysa sa kanya kaya sya magiging 19 na.


•••




[Nanay Loring's POV]




Ngayong araw na ang kaarawan ng anak ko at napaka espesyal nito sa kanya.. Kaya matagal talaga akong nag ipon Para sa debut nya.. Siguro nga hindi masyadong bongga Pero magiging masaya na sya nito..

  Ngayon ay pupuntahan ko si Niel sa kwarto nya Para simulan na ang Plano

"Niel ohh ano ready kana? " mahina kong tanong sa kanya na ngayon ay naka bihis na sya

"Opo nay. Pupuntahan ko na si Liliana ngayon"





•••





[Niel's POV]

Ang Plano namin ni Nanay ay i-gagala ko muna si Yana. Pupunta kaming sime-mall Para bumili ng damit at pagandahin sya. Yung natural lang! Syempre ikaw ba naman ang mag debut dapat nga napaka bongga ng part na yan ehh kaso kapos sa pera.. Pero ok na din. At habang wala kami sa bahay ay sina Nanay at si Amber ang mag luluto at mag aayos ng lugar!  Ang Venue ay sa tapat lng ng bahay nila.. at tsaka wala naman silang bisita yung ibang mababait na kaklase lang namin yung Pupunta.. Ako yung nag invite.. Hehehhe



(A/N: "Yana" ang Nickname ni Liliana at minsan "Lil")

Nasa kwarto na ako ni Liliana at kakatok na sana ng bigla nyang binuksan ang pinto at ikinagulat ko ito

"Luhhh anong ginagawa mo dito sa tapat ng kwarto ko? "  tanong nya



"A-ahhh ahh gusto lang kitang yayain"





[Liliana's POV]



"A-ahhh ahh gusto lang kitang yayain" hah? Yayain? My gash! Kahit galit ako sayo lakas parin ng tama mo ehh! So i-susurprise nya ba ako?

"Saan? " tanong ko

"Basta! Tara na kasi! " sabay hila sa kamay ko Pero kinuha ko ito

"Loko ka ba hah?! Kita mong naka
t-shirt at shorts lang ako tapos aalis na tayo! Nakakahiya ako dun"
Malay ba natin? Baka sa restaurant nya ako dalhin at mag d-date kami dun.

"Bakit sa tingin mo ba sa magarang lugar kita dadalhin? Kahit kailan talaga napaka assuming mo! " ayan nanaman sya!nananakit nanaman



•••


Kaya naman pala di nya na ako pinagbihis! Eh sa ukay-ukay lang naman pala ako dadalhin..

"Ba't tayo andito? " tanong ko


"Obvious naman diba! " alam mo isa ka na lang talaga hah! Papatayin na talaga kita! Birthday ko pa naman ngayon tapos di man lang nya ako binati... Nakakainis ka talaga!


Namimili sya ng mga bistidang damit at napili nya ang color pink na floral at tsaka ibinigay sakin

"Sukatin mo"

"Ukay-ukay toh diba? Meron bang fitting room dito? " ohh sya ngayon ang tanga! Palibhasa nasanay sa mall.. At bakit nya naman ako bibilhan ng damit? Gift nya ba toh? So di sya nakalimot ng birthday ko? Ang saya naman..



"Di lang to basta bastang ukay-ukay! Alam ko ang ginagawa ko kaya ayun hoh! " sabay turo ng isang kwarto

•••



umalis na kami sa mall at pumunta sa isang....... Isang........ Salon? Bakit sa salon? Papagandahin nya ba ako? Ganun naba talaga ako ka pangit?
























Im inlove with a Devil PrincessWhere stories live. Discover now