Chapter 13:

6 0 0
                                    

[Niel's POV]




maliit lang tong bahay nila yaya! Pero ok lang.. Di dapat ako mapili ngayon sa sitwasyon ko! Parang sa Isang iglap lang nawala na lahat sa akin...



"Sir Niel! Kain na po.. " sabi ni Yaya Loring.. Pero di ko na sya dapat tinatawag na yaya..





"Ahhhhh... Wag nyo na hoh akong tawaging Sir Niel... Di nyo na po ako Amo.. "




"Kung ganun.. Pwede bang Nanay Loring nalang din ang itawag mo sakin? "






Niyakap ko si sya" salamat Nay Loring!  Kahit kailan talaga napakabuti nyo... "






"HAYY kahit kailan talaga malambing ka! "






"Nay nagugutom na ako! Tama na Muna yang lambingan nyo ng bagong anak mo! " natatawang sabi ni Amber





"Hahhaha... Oh sya Tara na Niel! "






Masaya ako ngayong nagkaroon ako ng bagong pamilya... Tapos na kaming kumain kaya nasa maliit kong kwarto ako ngayon.. Sa kay Liliana toh kaso ito na daw magiging kwarto ko ngayon.. Dun naman na sya natulog kay Amber... And ohhh before i forgot.... Wala nang asawa si Nanay Loring.. Maaga kasing pumanaw..







•••




[Lilliana's POV]






1 week na ang nakalipas ng nandito si Niel.. Pina enroll na din sya ni Nanay sa skul ko.. Syempre Public skul.. Yun lang kasi ang kaya ehh.. Monday ngayon at sabay kaming papasok... Mag kaklase lng din kami.. At... Maglalakad lng pala kami papunta at pabalik dito.. Para daw tipid sabi ni Nanay.. Nag aayos ako ngayon ng mga gamit ko...







"Nak!  kumain kana dito.. Kanina pa naghihintay si Niel ohh" sabi ni Nanay sa labas ng kwarto ko.. I mean namin...






Ayokong pag intayin ang lalaking mahal ko kaya pass muna ako sa almusal.. Umangal si Nanay pero sinabi ko na lng na dadamihan ko ang pagkain mamaya sa break time..






Naglalakad kami ngayon... Katahimikan here... Di naman malayo ang skul kaya ok lng din sa kanya...





"Di ka ba napapagod? " napatingin ako sa kanya ng magsalita sya..








"Hindi.... Sanay na ako noh! Bakit ikaw?  Pagod kana siguro noh!? "




"Ayokong Magsinungaling kaya oo" yiee.. Cute naman nitong lalaking toh! Ang puti puti nya! Matangkad lng ng kaunti sakin at mapupulang labi na nakakaakit!






"Wag kang mag alala! Ayan na ohh! "








•••







[Niel's POV]







"Wag kang mag alala! Ayan na oh! " sabi sakin ni Liliana.. Di ko namamalayang nandito na pala kami.. Ang liit ng skul nila... Pero di ko naman toh nilalait ahh..





Pumasok na kami sa gate at naglakad papunta sa actual room namin.... Maraming babae ang nasa gilid at tumitingin samin.. ang iba nagbubulungan pa.. Pero naririnig ko naman





"Sya ba yan?  Ang dating taga St. Montello University? "






"Oo.. Sya nga yan! Balita ko kasi namatay ang mga magulang nya at maging mahirap.. Kaya ayan, nakitira sa Yaya nya"




Yan ang sabi ng mga bababe.. Pero patuloy lang din kami sa paglalakad





"Wag mo silang pansinin! Mga chismosa talaga sila! " sabi ni Liliana













Im inlove with a Devil PrincessWhere stories live. Discover now