Chapter 1: Who run the World...

71 7 0
                                    

Who run the World??

Amara POV

I run my ass as fast as I can as if my life depended on it. Oh well, my life really depend on how far I can get away from those goons. We've been running for almost an hour now and I don't know if I can still manage to maintain our distance.

I am already tired and breathless. Napansin ko ring maging ang humahabol sa akin ay pagod na. Nakita ko pa ang dalawa nilang kasamang mataba na napahiga na sa kalye.

Kunti na lang bibigay na rin ang mga binti ko. Unti-unti na akong bumabagal. Pero agad ko na namang binilisan ng makitang ang natitirang walong humahabol sa akin ay nadagdagan ng mga bagong mukha. Argh.. di ba nila ako tatantanan. Bakit ba hindi sila maubos-ubos?

Nawalan na ako ng pag asa ng makitang maging sa unahan ay may mga armadong lalaki na rin ang tumatakbo at papasalubong sa akin. Daig pa ang mga kabuti ng mga 'to. Kung saan saan na lang nagsisisulputan.

Hindi ko na alam anong gagawin. Tumigil o tumakbo wala akong lusot.
Wala na akong ibang mapupuntahan. Halos kuminang ang mga mata ko ng may makakuha sa aking pansin. Sa aking unahan sa bandang kanan may isang makipot na eskinita na hindi  mo agad mapapansin. Ilang metro na lang yun mula sa akin. Mas malapit ng bahagya sa akin kesa sa mga taong nasa harapan ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo na nagpangisi sa mga walanghiya. Ipagpapasalamat ko pa yatang hindi nila natunugan ang binabakak ko.

"Ilang buwan mo rin kaming pinahirapan sa amin lang rin pala ang bagsak mo" Ang sarap burahin ng ngisi niyang nagpakita sa bungal niyang ipin. Siya ang nangunguna sa mga kasamahan niya. Nakabuka pa ang dalawang kamay niya na tila handa akong salubungin.

Tiningnan ko muna ito ng masama bago lumiko at pumasok sa madilim at masikip na iskinita na hindi nasisinagan ng araw dahil sa bubong ng dalawang naglalakihang pabrika sa bawat gilid.

"Hah.. hah.. hah" Panting, I almost stumble on something mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko at naiwasan ang may kalakihang bato sa tulong ng kakaunting liwanag na nanggaling sa dulo na tinutumbok ko. Malapit na ako. Naririnig ko ang mga maiingay na yabag ng humahabol pa rin sa akin maging ang sunod sunod na kalabog kasabay ng malulutong nilang mura. Siguradong nadali sila sa nakaharang na malaking bato. At dahil masikip nga ang iskinita kaya tiyak hindi lang iisa ang nadapa sa kanila.

"Lintik na.. bakit ngayon nyo pa naisipang manghuli ng isda."

"Aray. Pwede bang umalis na kayo. Ang bibigat ng mga hinayupak"

"Mga peste. Tumayo na kayo at umalis sa daanan ng masundan na natin ang babaeng yun kung ayaw niyong managot na naman tayo."

Napangiti ako ng isang masikip at mataong lugar ang bumungad sa kin. Palengke. Maraming tao. Matatakasan ko din kayo.

Pasimpleng nakipagsiksikan ako sa mga tao habang tinatanggal ang suot kong hanggang balikat na wig. Mabilis na 'kumuha' ng jacket ng makitang hindi nakatingin ang nagbabantay. 'Sorry' piping usal ko. Kung hindi lang ako nagmamadali ay babayaran ko naman yun. Kaso nasa loob pa ng backpack ang pera ko. Iniwan ko na lang doon ang wig. Pwede na siguro yun. Maibebenta nila iyon pagkat mahal at di basta basta ang collection ko ng mga wig. Kumuha na rin ako ng cap at shades. At mas lalong nakipagsiksikan sa mga tao habang isinusuot ang mga nakuha ko.

Kahit nakalayo na ako sa kanila ay alerto pa rin ako. Sa dami nila ay hindi na ako magtataka kung maging dito ay may mga tao sila.

Mabilis akong napayuko ng mapansing may grupo ng kalalakihan ang papasalubong sa akin. Isa-isa nilang tiningnan ang mga tao sa marahas na paraan. Nakikipagbalyahan pa ang mga ito. Hinaharangan lahat ng magawi sa pwesto nila.

LIFE : Runaway Wife (Jack And Poy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon