Chapter 2: Maid in heaven

47 5 0
                                    


Maid in heaven

Amara's POV

Nakakita ako ng liwanag.
Liwanag ng aking natitirang pag asa. Isang pintuan. Pintuang bukas.

Nabuhayan ako ng pag-asa. Tila nabuhayan ang bawat  himaymay sa aking katawan na nanghihina na kanina dahil sa habulan.

Mabilis akong tumayo at patakbong tinungo ang may kaliitang gate. In one swift move naakyat ko ito at agad tumalon sa loob nang marinig ang boses nila kahit di ko pa sila natatanaw.

"Hanapin niyo! Di pa nakakalayo yon! Bilis!" Payukong tinakbo ko ang pagitan ng gate at ng pintuang bukas. Agad ko itong sinara pagkapasok na pagkapasok ko at nanghihinang napasandal sa hamba ng pinto.

Pigil ang hininga at tinatakpan ang bibig na nakikinig ako sa mga yabag at sigaw ng mga taong kasalukuyang tumatakbo sa tapat nitong bahay.

"Dead end boss. Wala siya dito"
"Buwisit! Maghiwahiwalay na tayo"

Napapikit ako ng sa wakas ay wala na akong narinig maski anong ingay sa labas. Salamat.

"Sa wakas dumating ka rin. Akala ko malilintikan na ako ni boss" Napadilat ako ng marinig ang boses na iyon. At laking gulat ko nalang ng nasa mismong harapan ko na pala ito. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya.

Patay!!!

___________________________

"Maid!??"
"Yes! Maid. Kasambahay. Kawaksi. Bakit gulat na gulat ka naman yata. Diba yun naman ang trabaho mo. Anyways sorry kung biglaan ang lahat. Kaya ka siguro nagulat. Missing in action kasi yung kasambahay na kailangan namin. Expected na ng mga boss ko na ngayon ang dating niya. Malalagot ako pag wala akong madadala. Wala na rin naman akong time para maghire ng panibago at pagdaanan lahat ng prosesso. Asan na nga pala ang dalawang sumundo sayo?"
"Ha?? Ah eh.." naguguluhang di ko alam ang sasabihin. Simply because wala akong alam!
"Hay naku pagpasensyahan mo na ang dalawang yun. Hindi na nahiya at pinabayaan kang pumunta rito mag isa. Nag enjoy na naman tiyak ang mga yun . May dala ka bang ID picture?"
"Picture? Wala po Ms.?"
"Ow! Sorry 'bout that. Veron. Just call me ate Veron." nginitian niya ako bago nagpaalam na may kukunin daw saglit.

Nakapangalumbaba ako sa lamesang pinag-iwanan niya sa akin habang pumasok si ate Veron sa isang kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala at hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ang alam ko lang napagkamalan ako na kung sino. Basta ang mahalaga sa ngayon ligtas pa ako. Pansamantala.

Lumabas si ate Veron na may bitbit na isang Polaroid camera.

"Okay. Tumayo ka muna dun banda." Itinuro nito ang pader na may kulay puting pintura.

"Ah.. owkay?" wala akong nagawa kundi ang sumunod. Agad niya akong kinuhanan ng picture.

"Great! For the mean time you are 'Jack Reyes', here" may iniabot ito sa aking mga papel.
"What is this?" naguguluhan tanong ko.
"That is your temporary identity. Si Jack Reyes ang pumasang maging kasambahay. But sadly sa ano mang kadahilanan ay hindi siya sumipot ngayon. Good thing ay hindi ko pa naipakilala sa mga boss ko si Jack. They only knew her name. So for the mean time, you will be known as Jack Reyes. Kompleto na jan ang mga requirements at credentials niya kaya wala ka nang alalahanin pa. You just have to study her information" .
Gulat na napatingin ako sa litrato ni Jack na nakadikit sa right top corner ng papel. Siya yun! Ang babaeng may ari ng motor!

"Wait" Kinuha niya muna ang picture ni Jack doon at ipinalit ang bagong kuha kong larawan.
'sorry Jack!' piping usal ko bago binasa ang detalye ng kanyang katauhan. Pero bakit ko nga ba to binabasa? Eh hindi naman ako yung dapat papalit kay Jack. Sabihin ko na lang kaya ang totoo? But what if nasa labas pa ang mga taong yun? Haay. Walang nagawang ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

LIFE : Runaway Wife (Jack And Poy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon