Chapter 3: Welcome to Life

45 2 0
                                    

Welcome to LIFE

Amara/Jack's POV

"Whoah! Is that the well known La Isla de Ferrer-Estavez!!!!!?" Di mapigilang bulalas ko ng makita ang islang nasa unahan namin.

She just smile at me knowingly.

Muli ay tiningnan ko ang pinakatanyag na isla sa buong mundo na nasa mismong harapan ko.

Ang takot at kabang naramdaman kanina ay dagling nawala ng makita ang isla. Sino ba namang hindi mamamangha at matutuwa kung ang pinagkakaguluhan at pinaguusapang isla sa buong mundo ay nasa harapan ko mismo.

Sa sobrang exclusive nito ay walang ibang nakakapasok doon maliban sa mga billionaires na nakatira at mga trabahador lang nila. Bawal din ang lumipad sa area na to. May technology ang isla laban sa mga outsiders. Maging mga maliliit na bangka, yacht at ano pang sasakyang pandagat ay di nakakalapit man lang sa pampang ng isla.

Ilang beses na akong nag inquire paano maging member or kung may membership fee ba para makapasok at makatira sa isla. Pero mailap ang impormasyon sa mga bagay na iyon. Kahit ang pagkakakilanlan ng mga nakatira sa isla ay sekreto.

Paano nga ba naging tanyag ang isla gayong sekreto ang lahat ng impormasyon dito at wala pang maski isang outsider ang nakakapasok at nakakapagpatunay na maganda ang isla?

Simple. Through gossips. Tama, dahil lang sa tsismis. Kumalat na lang 10 years ago na may isang isla na puro gwapong bachelors at puro billionaires ang mga nakatira. Wala mang patunay ay mas lumakas ang usap-usapan dahil sa napakaraming helicopter ang nangagaling sa islang pinaghihinalaan. Dumagdag pa ang higpit ng security. At maging ang paghigpit ng security sa islang katabi nito na pagmamay-ari din diumano ng La Isla de Ferrer-Estavez. Lahat ng mamamayan na nakatira sa katabing isla ay tikom ang bibig tungkol sa tanyag na isla. Kahit anong suhol ay di sila papatinag.

Lalong nagkagulo ang lahat ng maugnay ang isang tanyag na billionaire at kilalang most sought after bachelor na di umanoy nakatira sa isla. Nakita itong lulan ng isang helicopter na parehas na parehas sa helicopter na nakikita na nangagaling sa isla.

Mas lumakas ang hinala ng marinig ng isang staff sa dinaluhan nitong convention ang pakikipag usap nito sa phone at nabanggit ang La Isla de Ferrer-Estaves. Noon lang din napangalanan ang pinaguusapang isla. 

Higit na nakilala pa ang isla dahil sa mga malalaking T.V networks at magazines na hayagang inanunsiyo ng mga ito ang interes at kagustuhang makapanayam at ma icover at mafeatures ang isla. Subalit lagi silang bigo. 

Hanggang sa naging usap-usapan na baka may kung anong illegal ang ginagawa sa isla kaya ganoon na lang ka tight ng security dito. Pero maging ang gobyerno ay hindi nakayang pasukin ito. Sa kung anomang dahilan ay walang ginagawa o walang nagawa ang gobyerno. Kung anuman ang nangyari sa pagitan ng isla at gobyerno ay walang nakakaalam. Isa lang ang sigurado. Maging ang gobyerno ay tikom ang bibig pag isla na ang pinag-uusapan.

Palaki na ng palaki sa paningin ko ang isla. Mas namangha ako ng makakita ng napakaraming helicopter na nakaparada.

"Hindi pa iyan ang hinihinala mong La Isla de Ferrer-Estaves." Nagulat ako ng muling makarinig ng boses sa headset. Sa sobrang pagkamangha ay nawala sa aking isipan na may kasama nga pala ako.

"Eh?? Hindi yan?" Dismayadong baling ko dito at nakita siyang ininguso ang isa pang isla sa unahan. Malayo layo pa ito kaya ang liit pa sa paningin.

"Iyon na ba yon?" Excited kong tanong.

"Who knows." Pasuspense pa talaga to si ate Veron.

Pero ganon na lang ang aking pagkadismaya ng nilagpasan lang namin ang isla na may naglalakihang mga mansion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIFE : Runaway Wife (Jack And Poy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon