LAMBING

109 2 4
                                    

Hanap ko'y iyong kalinga
Sa tuwing  nag-iisa
Ako'y laging balisa
Kapag sa tabi ko'y wala ka.

Pakiusap 'wag kang mawawala
Dahil 'di ko kaya kapag wala ka
Makita lang kita
Kumpleto na ang aking araw sinta.

Lambing ang aking kailangan
Kapag nagagalit ng walang dahilan
Sana'y iyong maintindihan
Kung ako'y parang tanga minsan.

Hindi ko naman kagustuhan
Ang ikaw ay masaktan
Nais ko lang naman
Ako'y iyong pahalagahan.

Ako'y parang nasa alapaap
Kapag nararamdaman ko ang init ng 'yong yakap
Ako'y labis na nananabik
Sa tamis ng iyong halik.

Hindi ako makapapayag
Na ang pagsasama nati'y mabuwag
Tiwala akong walang makakatibag
Sa ating pagsasamang matatag.

Pagmamahal ko sa'yo
Ay tapat at totoo
Ikaw lang ang kailangan ko
Sana'y paniwalaan mo.

Minsan man ako'y parang nababato
Sana'y maintindihan mo
Na ito lamang ang paraan ko
Upang makuha ang atensyon mo.

Ikaw lamang ang gusto ko
Makasama dito sa'king mundo
At kung sakali ako ay iwan mo
Mundo ko'y biglang maglalaho.

Hindi ko naman hinihiling
Ang iyong pagdating
Pero ako'y nagpapasalamat pa din
Dahil ngayon ika'y aking kapiling.

Lahat ay handa kong gawin
Para lang hindi kana lumayo sa akin
Panalangin ko sa Diyos sana'y dinggin
Na tayong dalawa'y huwag nang paglayuin.

Kailanman 'di mapapantayan
Nang salapi ang ating pagmamahalan
Walang katumbas na halaga
Ang iyong pagmamahal sinta.

Hindi mag sasawang sambitin
Na ika'y mahalaga sa akin
Pangako ko sayo'y tutuparin
Kailan ma'y 'di kita lilimutin.

Muli akong makikiusap kay bathala
Na huwag ka na sanang lumisan pa
Talagang mahal kita
Wala na 'kong pwedeng sabihin pang iba

RANDOM's SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon