EX-CRUSH-MATE

71 2 0
                                    

Magmula noong araw na nakita kita,
Pintig ng puso ko'y walang tigil na,
Di makatulog, minsan ngumingit ng walang dahilan,
Ito na ata ang epekto ng salitang pag-ibig.

Nagdaan ang ilang taon,
Naging close tayo, sabay magrecess,
Sabay gumawa ng takdang aralin,
At sabay tayong umuwi na masaya.

Pero sa taon na rin na iyon, ikay nagbago
Ako'y iyong iniwasan, hindi pinapansin
Tanong ko sayo'y bakit ka nagkaganun,
Ngunit isang iwas lang ang iyong isinagot.

Dumating ang araw na nakita kita,
Nakita kita na may kasamang iba,
Kasamang iba na halos kayakap ka na,
Nasa likod nyo lang ako noon.

Habang kayo'y nagtatawanan,
Habang ako ay malungkot,
Habang kayo ay masaya,
At habang ako naman ay lumuluha.

RANDOM's SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon