PILIPINAS

12 0 0
                                    

Pangalan nya ay Inang Maria,
Siya noo'y Mayaman at Maganda,
Kaya't Dayuhan ay nabighani sa kanya,
Ngunit sabi nya'y mga anak nya'y sapat na.

Anak nya'y Inaruga at Minahal,
Ngunit nadurog ang kanyang dangal,
Dahil mga anak nyay naging hangal,
Naging hangal sapagkat syay di pinaglaban.

Tila ba'y syay naging patapon,
Na kahit kailan ay hindi makabangon,
Mula sa mga dayuhang mananakop,
Na pati buhay ni Maria ay gustong masakop,

Tila si Maria nakakulong sa rehas,
Na puro sakit ang dinaranas,
Umiiyak ng dugo, Sumisigaw ng Tama na,
Mga Anak ko'y sana'y Gumising na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOM's SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon