Chapter 8

194 45 102
                                    

“Yana, umuwi na kaya tayo?”

Nasa harap kami ngayon ng isa sa five star hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Chase. My jaw literally dropped as I stared at the Château-style building which I think is more than twenty floors. 

Napansin ko rin ang iba’t ibang magarbong sasakyan at ang pumapasok na napaka gaganda at gwapong mga bisita na palagay ko ay ang mga Rodriguez.

May mga nagkukumpulaang reporters din sa entrance ng hotel, ’yong totoo? Artista ba o mga model ang pamilyang Rodriguez? Bakit may mga media pa sa reunion nila?

“Isang malaking hindi Ate! Nasabi na natin kay Tita—” Ngumiti ng peke si Yana ng sinamaan ko siya ng tingin. “Ibig kong sabihin nasabi ko na kay mother in law, joke lang! ’Wag ka ngang brutal Ate, hindi ako battered sister!” Nakanguso niyang sumbat bago pilyang ngumiti at inakbayan ako. “Anyway subway, kung gusto mo talaga ireject si Tita mas magandang gawin mo ’yon ng harap harapan at ipaintindi mo sa kanya ng maayos ang rason mo, okay?”

Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmasdan ang pagpa-puppy eyes ni Yana. She’s already twenty-years-old but she still acts like a child begging for a toy. Napabuntong hininga na lamang ako. Napaka ganda talaga ng kapatid ko, minsan na nga lang siya mag-ayos ng ganito ta’s sisirain ko pa para sa kanya. Anong klaseng Ate ba ako?

I stared at her from head to toe—she’s wearing a light pink fitted sheer bodice with a collared neckline and bishop sleeves with puffed accents cocktail dress.

May nakalagay na mga beads at floral appliques sa palda niya. Nakalugay din ang straight na buhok niya. Para talagang manika ang kapatid ko. Alam kong rason niya lang ’yan para mapapayag ako pumunta rito at alam na alam niyang wala akong laban sa kakulitan niya. 

Labag sa loob akong pumayag at isang ngiting abot-tenga ang gumuhit sa mga labi niya. Agad niya akong hinila at naglakad patungo sa building dala-dala ang invitation card.

Pumasok na kami sa lobby at mas lalo akong napanganga ng makita kung gaano kalawak at sosyal sa loob. May malawak na hagdan sa gitna ng hotel na may red carpet at ang disenyo naman ng trailers ng hagdan ay golden flower pattern.

Sinalubong kami ng isang lalaki na mukhang empleyado at inabot naman ni Yana ang invitation. Wait... ibig ba sabihin nito aakyatin namin ang hagdang ’to habang nakasuot ng heels?! Wala na akong panahon upang makapagreklamo ng magsalita ang lalaki.

“This way, Miss Alyanna Rivera and Miss Malia Rivera,” sambit ng isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo at bowtie.

Inalalayan niya kami papunta sa venue. Hindi ko pa rin lubos maisip na halos sundan na ako ni Yana hanggang sa banyo para lang pumunta kami sa gathering na ito ng isang linggo, napabuntong hininga na lamang ako. Well, at least I’ll let Yana enjoy the party. 

Bumukas ang malaking pintuan at ang nakangiting Mrs. Rodriguez ang sumalubong sa amin. Muli na naman akong natameme sa magandang nilalang sa harapan ko. May mas ikagaganda pa pala ang nanay ni Chase.

Her hair was tied in a low knot resting on the base of her neck. May suot din siyang hikaw na may malaking dyamante na hugis puso. Wow.

She looks very elegant and sophisticated in her evening gown with ivory embroidery, shining rose gold fabric constructing the neckline and shoulders, and a long mermaid rose gold skirt.

“Sabi ko sa ’yo Tita, ako ang bahala,” pagyayabang ni Yana.

Bago ko pa siya makurot sa tagiliran ay bigla siyang tumakbo sa likod ni Mrs. Rodriguez.

“Sa totoo lang po suporta talaga ako sa kasal ni Ate at ni mysterious oppa,” kunyaring bulong ni Yana. “Malapit na magmenopause si Ate, wala pa rin akong pamangkin.”

Hakbang Pabalik | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon