Chapter 2: Puppet Master Saves The Day!

69 16 0
                                    

Nasa canteen kaming dalawa ni Silver ngayun. Kainis. Pinagbawalan nya kong tawagin syang Silvester. Nabili pa si Silver ng pagkain naming dalawa. Umupo ako malapit sa bintana na tanaw ang malawak na quadrangle. Hindi ko maiwasang isipin ang mga nanghahabol sakin.

"Jester. Are you okay?" Hindi ko napansing nandito na pala si Silver. Nakakuyom din pala ang kamao ko.

"Oo. Tsaka di ba sabi ko wag mo ko tawaging Jester." Walang emosyong sagot ko sa kanya. Naiinis ako. Di dahil sa pag tawag nya ng second name ko sakin. Naiinis ako dahil naging kaibigan ko to. Hindi ako sanay na ganto. Nasanay akong mag isa. Siguro makapal lang talaga ang mukha neto.

"Eh anong tatawag ko sayo? Iyakin? Or Moody? Sige. Anong mas gusto mo? Yung Jester o yung Jester?." Sarkastiko nyang sagot. Kainis.

"Bahala ka na nga." Hinayaan ko lang syang tumawa at kinuha ko na ang burger at orange juice na pinabili ko sa kanya. Ang sa kanya ay spaghetti at coke.

Bigla ko na lang naisipang magtanong kay Silver.

"Silvester. I mean, Silver. What do you mean by us? Yung sa kaninang sinabi mo na I can trust you and your friends." Tanong ko sa kanya.

"Ah yun ba. Siguro nga kelangan mo ng malaman. I have an ability too. Kung sa iyo ay telekinesis, ang akin ay pyrokinesis. I can control fires." Sagot niya habang hindi nakatingin sakin. Nagulat ako. Hindi lang pala ako.

"Ilan pa lang tayo?" Tanong ko.

"Marami. Sobrang dami natin. Noon. Apat na lang tayo na merong psychic ability dito sa school natin. Yung iba.." Biglang natigilan si Silver.

"Ano? Anong nangyari sa iba?" Walang emosyon kong tanong.

"Yung iba ay namatay na. Pinag ekspirementuhan. Pinagkakitaan yung iba. Pinatay din yung iba sa pag aakalang mapanganib sila." Malungkot na tugon nito.

Hindi ko naisip na naging ganun ang kapalaran nila. Nakakainis. Bakit ba may mga sakim na taong katulad nila. Hindi ba nila naisip na ang tao ay tao. Diyos lang ang maaring magdesisyon kung kukunin na ba nito ang hiram nyang buhay.

Kring! Kringg! Kringgg!

"Bilisan mo na dyan Jester may next class pa tayu." Sabi nito habang tinuturo yung next building na papasukan namin.

Naubos ko na ang pagkain ko at nag simula na kaming mag lakad. Bigla naman akong naka isip ng itatanong sa kanya.

"Silver. Sino pa yung dalawa?" Tanong ko dito.

The PuppeteerWhere stories live. Discover now