Chapter 1: New Start, New Friend.

94 18 5
                                    

Kring! Kringg! Kringgg!

Pinatay ko muna ang alarm clock ko at tumayo na para ayusin ang higaan ko at maghanda na rin para sa unang araw ng pasok ko sa Merriam High School.

Paglabas ko ng kwarto dumeretso agad ako sa may C.R para maligo. Pagkatapos ay inayos ko na ang susuotin kong uniform. Plain white lang ang polo na may black vest at black na pants na pang school.

Pagkatapos kong mag bihis ay nagluto na ko ng almusal ko. Nang matapos na ko kumain, inayos ko na lahat ng gamit ko para makapasok na ko

"6:30 A.M na pala. Baka ma late na ko". Sabi ko sa isip ko.

Pumasok na ako at di na ko nag abalang ayusin ang buhok ko. Hinayaan ko na lang na matakpan ang mga mata ko.

Marami akong estudyanteng nakakasabay sa paglalakad sa school. Malamang sa iisang dorm lang kami nakatira. Sa gate palang ay masasabi mong napaka ganda at engrande ng school na to. Kung di lang dahil sa may ari ng circus na pinag tatanghalan ko kasama ang mga puppets ko ay di ako makakapasok sa paaralang to.

Pagka pasok ko sa loob ay mapapansin agad ang mga buildings na may apat na palapag na nakapalibot sa quadrangle. Ang mga estudyanteng nag aalok na sumali sa kanilang mga club ay nakakalat din sa paligid.

Deretso lang ang tingin ko sa dinadaanan ko at walang pake sa lahat ng mga estudyante sa paligid. Sa may quadrangle muna ang deretso ng mga Juniors at Seniors para sa pag papakilala ng principal at ng ibang heads ng school.

Parehas lang ang suot ng mga seniors at juniors. Ang kaibahan lang ng suot namin sa mga seniors ay long sleeve na polo ang suot nila, may gray na vest din, red na neck tie na may symbol ng school at black na pants din para sa mga lalake. Naka paldang gray naman ang mga babae at long sleeve na white polo na may symbol din ng school at may red na ribbon.

Umabot din ng ilang minuto ang mga pagpapakilala ng mga teachers at ng kung sino sino pa. Dumeretso agad ako sa class room ko sa may pangatlong palapag. Sa may pinaka likod agad ako umupo malapit sa bintana tanaw ang quadrangle.

Hindi ko maiwasang mabagot kakahintay sa may guro namin. Rinig ko ang mga ingay nila kahit na may suot na akong headphones. Palibhasa mga mag kakakilala na kaya ganyan. Lahat ng lumapit sa kin para makipag kilala ay hindi ko pinapansin at kunwaring hindi ko sila naririnig dahil sa suot kong headphones.

Ilang minuto lang ay nakarating na ang aming guro at nagpakilala sa harap.

"Good Morning Class 4 - E. I'm Ms. Carla De Guia. I am your adviser and science teacher. I hope we can have good moments together. Now, kayo naman ang mag pakilala sakin. Sabihin nyo ang name nyo, ang mga bagay na ayaw nyo at mga gusto nyo. Okay? Now let's begin"

Nag simulang mag tawag sa unahan si Mam. Nung una ay wala akong pake sa kanila dahil napaka walang kwenta ng mga sinasabi nila. Pero meron ding mga nakakuha ng atensyon ko.

Isa na dun si Sunshine Leondale. She said that she dislikes all of dolls which is very rare for a girl. Nakuha nya ang atensyon ko dahil nag enumerate sya ng mga kinds ng dolls na ayaw nya. At isinama nya ang mga puppets dun.

Next ay si Silvester De Leon. He wants us to call him Silver as his nickname. The reason he caught my attention is because he likes paranormal stuffs like me.

The PuppeteerWhere stories live. Discover now