Vein's POV:
Si Kuya Jester, bakit kaya ako sumama sa kanila? May kung anong gaan ng loob ang naramdaman ko para sa kanya. Si Smile naman kahit na sobra syang nakakatakot dahil sa parang mga ngiti nya, nakaramdam din ako ng gaan ng loob para sa kanya. Sila na siguro ang pamilyang matagal ko nang hinahanap.
Sana nga, sila na lang talaga. Ayoko ng balikan ang mga nangyari kanina.
Pero kahit anong kalimot ang gawin ko naalala ko parin ito. Sabagay kanina lang dun naman nangyari yun. Kaya mahirap pang kalimutan.Flashback:
"Ma. Dalhin nyo po sa circus. Sige na po?" Gusto ko talagang makapunta sa circus. Maraming mababait na clowns at mga taong nagpapasaya.
"Anak, pasensya na ha. Di pa kasi kaya ni mama eh. Siguro pag naka sahod na si mama ha. Dadalhin kita dun at ibibili pa kita ng favorite mong cotton candy. Promise ko yan." Pagpapaliwanag sakin ni mama.
"Naiintindihan ko naman po eh. Ayus lang po yun. Basta po ha. Yung cotton candy ko po ha." At isang ngiti ang napinta sa aking mukha dahilan para mapangiti rin si mama.
Labandera lang si mama kaya kahit na makasahod pa sya di yon sapat para sa pangangailangan namin ng isang araw kaya naiintindihan ko naman sya. Si papa? Ayun. Andun na naman sa mga kumpare nya. Nakikipag inuman. Wala namang bago eh. Uuwi sya ng lasing at bubugbugin nya si mama.
"Anak diba mahilig ka sa mga clowns?" Tanong sa akin ni mama.
"Opo. Sobra po."asaya kong sagot kay mama dahilan para mapangiti rin sya.
" Ganun ba. Mamaya may surprise ako sayo." Sabi sakin ni mama dahilan para mapatalon uli ako sa saya.
"Sige po mama. Maglalaro lang muna po ako sa labas ha." Pagpapaalam ko kay mama. Agad naman syang pumayag at nag paalalang wag pupunta kung saan saan.
YOU ARE READING
The Puppeteer
Horror"Art is something that last for all posterity. True art is eternal." Mga katagang hindi ko maintindihan at pilit kong nililimot pero may kung anong bagay ang nagiging sanhi para tuluyan kong maalala ang mga ito sa bawat araw ng buhay ko. I'm Black J...