Tahimik akong naglalakad papasok sa paaralan. Inagahan ko ang pasok ko para wala akong makasabay. Kung ang simula ng class namin is 6:30 A.M. pumasok na ako ng 5:00 A.M.
Papasok na ako sa classroom namin ng may nahagip ako sa likod ng building namin. May dalawang lalaki ang nag uusap.
Hindi ko maiwasang maging tsismoso kaya tahimik at dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila at nag tago. Teka si Silver yun ah. Ang nakapag tataka lang ay bakit meron syang kausap na mga lalaking naka lab gown?
"Mamayang hapon. Dadalhin ko na sya sa inyo." Walang emosyong sabi ni Silver.
"Kagaya nga ng napag usapan, narito na ang kalahating milyon mo. Ibibigay na lang namin ang kalahati pa kapag matagumpay mo syang nadala sa laboratoryo." Tugon ng kausap ni Silver sabay abot nito ng isang briefcase.
"Huwag na muna. Gusto kong iabot nyo yan pag nakuha na namin yung isa pa. Huwag kayong mag alala, paniguradong makukuha sya ni Kylie." Pag mamayabang ni Silver sa kausap nya.
'Kung yan ang gusto mo, bahala ka. Siguraduhing mo lang na mahuhuli mo sya. Mamaya ay mapatay ka pa nya. Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari kay Anthony at sa mga magulang nya." Mahinahong sambit ng mga kausap ng kaibigan ko.
Pero hindi ako makapaniwala, hindi ako tanga para hindi ko maintindihan ang lahat ng yon. Ibig sabihin ginagamit nya lang ako. Ang lahat ng mga sinabi nya. Lahat ng yon, puro lang pala kasinungalingan.
Paalis na sana ako ng pagtalikod ko lang ay may dalawang matipunong lalaki na naka tuxedo ang humarang sa dadaanan ko. Hindi ko sila pinansin at nagpa tuloy lang ako sa paglalakad.
Pero bigla nilang hinawakan ang dalawa kong braso at binitbit papunta sa lalaking naka lab gown at kay Silver.
"Hey Jester. Ang aga mo namang pumasok. Ano nga pala ang pakiramdam na mapatay ang taong sumira ng marionette mo?" Tanong ni Silver habang sya'y nakangiti dahilan para mapuno ng galit ang puso ko.
Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at ginamit ko ang abilidad ko para ilipad ang isang malaking bato at ipinatama sa isang lalaki na nakahawak sa kanan kong braso. Nang namilipit ito sa sakit ay agad kong sinuntok ang isang lalaki na nakahawak pa sa braso ko gamit ang buong lakas pero walang talab ito sa kanya.
Tatakbo na sana ako ng hinawakan ni Silver ang braso ko at itinurok ang hawak nyang syringe na may lamang likido na kulay itim.
And then I can't feel nothing. Namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang buong parte ng katawan ko. Pero nakakakita at nakakarinig parin naman ako.
YOU ARE READING
The Puppeteer
Horreur"Art is something that last for all posterity. True art is eternal." Mga katagang hindi ko maintindihan at pilit kong nililimot pero may kung anong bagay ang nagiging sanhi para tuluyan kong maalala ang mga ito sa bawat araw ng buhay ko. I'm Black J...