CHAPTER 04:STAR SECTION

842 8 0
                                    

Chapter 4
 
“hello, I’m Ms. Krissa Fuentes, new adviser ng star section and at the same time, math teacher din. ”

“hi po ma’am, I’m Arcie Morales”

“so punta na tayo sa classroom?”

Bata pa ang adviser ng star section, kung iisipin mukhang newly grad lang siya eh. Well, I remember her kahit bagong teacher pa lang siya dito, siya kasi yung teacher na nakita kong lumabas sa hell na classroom ng star section na umiiyak. Mukhang ok naman si Ma’am Fuentes. Hay, pero ako kaya maging ok lang? mapupunta ko sa star section kung saan ang mga classmates ko ay mas mayaman at mas popular pa sa ibang nag-aaral dito. Malala na nga mga classmates ko dati, ngayon pa kaya? Hay naku naman! Tapos magiging classmate ko pa ang S6. I hope hindi sila bully! Pag nagkataon naku po hindi ko sila uurungan. Ang problema nga lang pag kinalaban ko sila baka maging me against the world ako sa school na to! Mag-ala San Chai-Makino-Jan Di na kinalaban ang F4 ang drama ko! Susme! Wag naman sana!! 

Nakarating na kami sa classroom. Mas onti ang students dito compared to other sections pero mas malaki ang room. Tingin pa lang sa mga classmates ko babae mukhang maarte na at sa mga classmates ko namang lalake mukhang mayayabang. Pero wala pa ang S6. Late sila? I wonder kung nasaan ang anim na yun.

“ok, class please listen” tumigil naman sila sa pagdadaldal “you have a new classmate here. Please introduce yourself.”

“ah hello, I’m Arcie Morales—“

“Arcie Morales? Yung mahirap na scholar sa school na to??” tinignan ko yung girl na nag salita

Grr!! Hindi ako mahirap noh!! Kahit papano nakakain ako more than three times a day!! 

“ah, ako nga yu—“

“ma’am what is she doing here?” sabat ng isa ko pang classmate

Umpisa pa lang alam ko nang hindi ako welcome! 

“ah, kasi—“

“pss!” sabi nung isang lalake sa likod “baka nagkakamali kayo nang pasok sa kanya? For reach and famous lang ang section na to”

“ano ka ba! She’s famous! Siya lang kasi ang nag-iisang mahirap sa school na to ”

Nagtawanan naman sila. Ok napapahiya na lahi ko dito!!

“class please—“

Bigla naman may nagbukas nang pinto kaya lahat kami napatingin

Justine: “good morning”

Lance: “ohayo!!”

Yanna: “bonjur!!”

Napalunok ako bigla. 

Ang S6!! 

Nanlaki naman ang mata ko nung nakita ko si Ren.

Bobitang bata!! Nakalimutan ko na star section din pala si Radish at member din nang S6!! Weeee!!

“ma’am who is she?” tanong ni Michelle 
   
Napatingin naman sakin yung buong S6. nagkatinginan kami ni Radish and like me, nanlaki din yung eyes niya.

“oh?” napaturo siya sakin

“ah, new classmate niyo siya. She is Arcie Morales.

“wow may new classmate na naman tayo!! ” nagpapalakpak naman si Yanna

“Ms. Yanna siya yung *laugh* scholar na mahirap ”

Napayuko na lang ako. Hay, napapahiya ako sa harap ni Radish! 

“welcome to star section” biglang napataas ang ulo ko. Ren held out his hand “enjoy your stay here ok? ”

Nakipag shake-hands ako sa kanya “th-thanks! ”

My PrinceWhere stories live. Discover now