Chapter 8
Leisure room..Ren: "eto na ang meryenda natin!! Tada!!"
Michelle: Nilapag ni Ren ang hawak niyang pagkain sa table. Isang unknown na pagkain na bilog at color orange. Ano naman kaya yan?Lance: Eto ba yung sinasabi ni Ren na masarap na meryenda? Mukhang candy ah!
Lance: "ano yan?"
Ren: "Ano.. pagkain"Ren: Ano na nga ba ulit tawag dito? Basta sa K nag sisimula yun eh, or baka sa Q. basta masarap yan! Pinatikim sakin dati ni Arcie!
Lance: "parang delikado kainin yan ah. Saan mo ba nabili yan?"
Ren: "sa kariton. Yung naglalako sa may park."Michelle: "you mean street food yan? Naku! Hindi ako pinapakain niyan! Madumi daw yan sabi ng mom ko."
Ren: "ano ba kayo! Matagal na ko kumakain niyan no at hanggang ngayon healthy and alive parin ako!!"
Lance: "ano ba tawag diyan?"
Ren: "ano.. yan yung tinatawag na ano eh.." ano na nga ba ulit yun?
...
...
...
Ren: Ayun naalala ko na!!
Ren: "quack-quack! Yan ang tinatawag na quack-quack! "
Lance: "quack-quack?"
Michelle: "gawa ba sa duck yan?"
Ren: "hindi!! Quail egg ang nasa loob niyan! Try niyo kaya! Si Arcie ang nagpatikim sakin nito. Masarap siya."Jiro: Si Arcie? Infairness nung nagpunta ko sa house nila as Jacob ang sarap nung meryenda na pinakain niya sakin.
Jiro: Kumuha ako ng isang bbq stick then tumusok ako ng quack-quack na to at tinikman ko.Jiro: "masarap"
Michelle: "eh?"
Lance: "sure ka?"
Jiro: "oo"
Michelle: "matikman nga!"
Kumuha ako ng isa at tinikman ko."oo nga masarap tikman mo" binigyan ko si Lance.
Lance: "oo nga no!"
Ren: "sabi sa inyo eh! Bat ayaw niyo maniwala sakin? Kung hindi pa sinabi ni Jiro na masarap di kayo titikim!"Michelle: "kasi Ren wala kaming bilib sa panlasa mo. "
Lance: "tama, tama. Lahat kasi sayo masarap no! "
Ren: Ang sama naman ng mga to! hmp!"oo nga pala, nasan si Justine, Yanna at Arcie?"
Michelle: "si Justine umuwi na. Kailangan daw niyang pag-isipan yung gagawin natin sa dance fest. Si Arcie naman kailangan narin daw umuwi kasi mag luluto pa daw siya ng ulam para sa mga kapatid"Lance: "si Yanna naman nag shopping."
Ren: Sayang wala pala si binbo dito. Bumili pa naman ako ng quack-quack![Arcie's POV]
"Hoy mga unggoy pakawalan niyo ko dito!!"
Nandito na ko sa loob ng van kasama ang mga lalaking naka amerikana na kala mo lalabas sa commercial ng tanduay. With matching shades pa ha!!
Inalis nga nila yung takip sa bibig ko pero tinalian naman nila ko at nilagyan ng seatbelt kaya hindi ako makagalaw. Pero nagkamali sila ng pag-alis ng takip sa bibig ko. Tignan lang natin kung hindi sila mairita sakin!!"hoy mga gorilla, unggoy, orangutan, kalahi ni tarzan, mga taong tabon pakawalan niyo na ko!!! Hindi ako anak mayaman!! Isa kong DUKHA!! Naiintindihan niyo ba yun?! DUKHA!! As in D-U-K-H-A!! walang maipang ra-ransom ang mga magulang ko sakin!! Papatayin niyo lang din ako. sige kayo diretso sa hell yang mga kaluluwa niyo pag nangyari yun!! Mainit dito sa pinas, mas mainit pa dun!! Sige na pakawalan niyo na ko!!! "
Hindi parin ako kinikibo ng mga kidnappers kong model ng tanduay! Anak ng tinapa naman oh!! pansinin niyo na ko!!
"hoy maawa naman kayo sakin! Paano na mga kapatid ko?! Siguro mamamatay na sa gutom yung mga yun dahil wala pa ko! Ako pa naman ang naka toka na mag luto ngayon! Hindi ba kayo nakokonsensya?! Tsaka kung papaslangin niyo ako, naku!
Paano na ang mundo?! Hindi niyo ba alam na ako ang pag-asa ng bayan?!"
Makapal na kung makapal ang mukha ko! Bakit ba, walang pakialamanan ng strategy! Masyado na kong desperadang makakawala sa mga goons na to!!
YOU ARE READING
My Prince
FanfictionShe's a commoner He's a prince She doesn't have a good highschool memory He doesn't have a good past They're strangers to each other. Until one day. Unexpected things happend