Chapter 3
[Jiro]
"paalisin niyo na ako"
Syempre onting arte muna no. Para naman isipin ng mga to na hindi ko sila kaya! Haha pero mamaya patay sakin yang mga yan!
"ano ka ba bata! Hindi halata sa itsura mo pero alam naming bigatin ka! Nag-aaral ka sa Prince Academy di ba?"
[Arcie]
Eh? May dukha, mahirap, binbo din sa Prince Academy no!
Ano ba naman itech! Tatayo na lang ba ko dito at manunuod o mag- aala darna at tutulungan si schoolmate?
[Jiro]
"e-eto na"
kunyari ilalabas ko yung wallet para lahat na ng attention nila dun sa wallet ko mapunta at nang makapag simula na kong mag exercise, kaya lang--
[Arcie]
ilalabas na niya sana yung wallet niya kaya lang hindi ko alam kung tatawagin niyong kahanga-hanga o katanga-tanga ang ginawa ko, lumapit ako sa kanila at pinigilan ko si weird-looking schoolmate na ibigay sa kanila yung pera.
"nakita rin kita! Kala mo makakapagtago ka sakin ha?"
"ha?"
[Jiro]
may babaeng lumapit samin at pinigilan yung kamay ko sa pagaabot sa kanila ng wallet. Teka, eto yung commoner na nagaaral sa school namin ah? Ano naman kaya ang kailangan nito?!
[Arcie]
Kinuha ko yung wallet sa kamay niya "ang laki nang utang mo sakin! May pera ka pala, bat hindi ka nagbabayad?"
[Jiro]
Utang? Ako? Nangutang? Ni-isang beses ata sa buhay ko hindi ko pa nararanasan yun! Ano bang pinagsasasabi ng babaeng to?
"ah miss, umalis ka dito kung ayaw mong masaktan!"
[Arcie]
"bakit? May utang din ba sa inyo ang taong to?" tumingin ako kay weird-looking schoolmate "naku masama yung mangutang nang mangutang!" hinila ko siya paunti-unti "dapat kung may pera ka na wag ka nang nangungutang."
"ano bang sinasabi mo?" ay tokwa! Kay slow naman nang lalakeng to!
"maki-ride on ka na lang kung gusto mo pang makauwi nang kumpleto ang katawan mo" bulong ko sa kanya
[Jiro]
Eh? Eh yakang yaka ko tong mga to! naku naman! Bat ba nakikialam tong babaeng to?!
"hoy miss! Mabait ako sa mga babae! Pero ayoko sa lahat yung pakielamera. Kung ako sayo umalis ka na dito bago ka pa masaktan."
Haha! Korek ka diyan! Masyadong pakielamera eh!
[Arcie]
Etong gorilla na to!! naku talaga naman!!
Ngumiti ako sa kanya, yung pinaka sweet na smile. "ah hehehe, aalis na ko" hinigpitan ko yung hawak ko sa wrist ni weird-looking schoolmate, WLS for short. "aalis ako, kasma niya" bigla akong tumakbo habang hatak-hatak si WLS. Yung mga gorilla naman, hinabol kami.
[Jiro]
"t-teka miss!"
Nagulat ako dahil bigla ba naman akong kinaladkad palayo sa mga goons na yun.
"manahimik ka na lang diyan at tumakbo WLS!! Ayoko pang mamatay!!"
"WLS?"
Ano naman kaya yun?
[Arcie]
Lumingon ako sa likod and nakita kong hinahabol parin kami ng mga gorilla!!
WAAAHH!! Gorillas are on the loose!! Kailangan nilang maibalik sa manila zoo!!
May nakita akong ga-bundok na tambakan nang basura, at dahil masyado akong desperadang mabuhay, hinila ko si WLS na gilid nang mga basura para dun kami magtago.
"miss, bat tayo nandito? "
"shh wag ka maingay, nagtatago tayo"
"bakit dito? "
[Jiro]
ang daming pwedeng pagtaguan at bat dito pa niya napili?
"wala na tayong ibang pagtataguan no!"
"ang baho kaya" nagtakip ako ng ilong
[Arcie]
Anak nang tokwa naman tong WLS na to oh!! mas gusto pa atang mamatay kesa makaamoy nang mabaho eh!!
"singhutin mo nang singhutin para mawala ang amoy"
"papatayin mo ba ko? "
"sila ang papatay satin"
[Jiro]
"mamatay ako sa suffocation dito" parang mas gusto ko pa ata mamatay sa bugbog ng mga goons na yan kesa mamatay sa mabahong lugar na to.
Ang pakielamera naman kasi! Siguro kung hindi nakialam yang babaeng yan kanina ko pa nagulpe ang mga goons na to!!
[Arcie]
Nakita kong parating na yung mga gorilla kaya tinakpan ko yung bibig ni WLS.
Nung nakita kong nakalagpas na sila, tsaka ako nakahinga nang maluwag.
"ligtas na tayo!!! weeeeeeeeeee"
[Jiro]
Nagtatalon naman si pakielamera sa tuwa. Ako naman hinila ko na siya palayo dun sa mga basura dahil hindi ko na ma-take ang amoy dun.
"grabe kala ko mamamatay na ko!! Marami pa kong pangarap sa buhay! Gusto ko pang makapagtapos nang pag-aaral. Gusto ko pang magkaroon nang sariling pamilya. Gusto ko pang tuparin ang mga pangarap ko sa buhay! Hindi maaring matapos ang buhay ko sa ganito lang. magmimistulang isang napakawalang silbe nang buhay ko pag nangyari yon! tsaka panigurado malulungkot si mama at ang mga kapatid ko pag nawala ako. at paano na ang mundo pag wala na ko?"
Napatigil ako then napatingin ako sa kanya. Nakita ko sa mukha niya na tuwang tuwa siya sa mga nangyayari at the same time may halo din takot.
Ang weird nang itsura niya.
"hindi naman ikaw ang na-holdap eh bat ikaw ang nag rereact ng ganyan?"
Napatigil naman siya and from her expression kanina, napalitan ng pagtataka yung mukha niya.
I can't help my self, I burst in laughter.
"ibang klase ka "
Tumawa din si Ardie-err tama ba yung name? or is it Arnie?
"ngayon lang ako nakatakbo nang ganun! "
"ngayon lang ako nakapag tago sa mga basura "
[Arcie]
Inabot ko sa kanya yung wallet niya "eto oh "
"ah, salamat"
"schoolmates pala tayo, pero parang hindi kita madalas makita sa school, ano nga palang name mo?"
[Jiro]
Do I really need to tell her my real name?
Siguro wag na lang, baka eto na rin ang last time na magkita kami.
"J-jacob"
[Arcie]
"Jacob" so hindi WLS ang name niya! "I'm Arcie senior na ko sa Prince Academy, ikaw?"
"junior palang"
[Jiro]
Para hindi na siya maghinala masyado, yan nalang sinabi ko.
"oh I see, kaya pala hindi kita masydong nakikita. Tara kain tayo samin?"
"ha? Ano, kasi-"
"tara na dali!! "
Wala na kong nagawa kasi kinaladkad niya na ko papunta sa kanila.
Tumigil kami sa isang maliit na bahay na may cafeteria na karugtong.
"you live here?"
"ah, hindi ko pa pala nasabi sayo, oridnaryong tao lang ako, kaya ako nakapag aral sa Prince Academy, kasi nakakuha ako nang scholarship. Pasensya ka na sa house namin ah? Kahit naman maliit yang malinis naman."
"ah, ok lang"
"tara na?"
[Arcie]
Pinapasok ko siya sa loob nang house namin at sinalubong naman kami nang tatlo kong makukulit na kapatid. I had three younger siblings, isang 12 years old, isang 9 at isang 7. medyo mahirap silang alagaan pero carry ko naman! Ako pa! hehe
Pinakain ko nang ginataan si WLS este Jacob pala. Nakakatawa nga ang expression niya kasi hindi niya alam kung ano ang ginataan pero nung na-try niya, ayun sarap na sarap.
Pero for the first time in history nagkaroon ako nang friend sa school na makakausap ko freely. Kahit papano pala angels in disguise din yung mga gorilla na yun! Hehe
[Jiro]
Habang pinapakain niya ko nang.. basta kulay purple na pagkain na hindi ko na matandaan ang pangalan.. batsa masarap! Ayun, napaisip naman ako..
I've never laugh like that for 2 years..
And sa isang hindi inaasahang incident, ang commoner na to pala ang makakapagpatawa ulit sakin ng ganun.
[Arcie's POV]
(Next Day.)
"Arcie, pinatatwag ka ni principal sa office niya."
Umagang-umaga pa lang, may lumapit na agad na teacher sakin para sabihin yan. Hay, bakit kaya?
Pumunta ako sa office ni principal, then nakita ko siyang nasa desk at may kung anong sinusulat. Kung titignan mo maigi, hindi mo masasabing principal ang kaharap mo. She looks more like a model. Ang ganda niya kasi para maging isang principal.
Hay, oh well, nasa dugo naman ata nila. Gwapo si Jiro, maganda si Ms. Jennica. Siblings yung dalawa.
"ma'am pinatatawag niyo daw po ako?"
"oh yes, please sit down." Umupo naman ako sa chair katapat niya. "tinitignan ko yung grades mo kanina, and I want to congratulate you for having a good grades this past years"
"ah thank you po"
"then as a reward, tutal fourth year ka na, I transferred you to star section."
"thank you po"
^_^
^_^
???
>_<
O_O
O_O
O_O
"WHAT?!"
"nilipat na kita sa star section. Starting today dun na ang section mo. "
S-S-S-S-S-S-S-S-S-STAR SECTION?!?!?!??!
Ano ba dapat maramdaman ko?
Tuwa o lungkot?!
YOU ARE READING
My Prince
FanfictionShe's a commoner He's a prince She doesn't have a good highschool memory He doesn't have a good past They're strangers to each other. Until one day. Unexpected things happend