Chapter 5
[Arcie's POV]Katatapos lang nang Japanese subject namin, isa sa pinaka hate kong subject. Sa school kasi na to, recuired lahat na kumuha nang Japanese and French subject. Hay, as if namang kailangan ko yun para makapasok nang college?!
Yung katabi kong masunget, magdamag lang tulog habang nag le-lecture yung teacher namin. Naku talaga kung ako ang teacher matagal ko nang nabato ito nang chalk!! Palibhasa may-ari nang school tsaka S6 eh!!
Supposed to be English time na ngayon kaya lang nagulat kami na si Ma’am Krissa ang teacher na pumasok samin.
“what are you doing here?” sabi nang isa kong classmate na babae na hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan, tawagin na lang natin siyang si Arte 1
“tapos na kanina pa ang math time ah” ayan si arte 2
“chu chu ka na” eto naman si arte 3
“oh what are you waiting? Chupy! Alis!” at si arte 4!
Ang mga walang manners kong classmates.
“ah, ano may announcement kasi—“
“bilis bilisan mo! You’re an eye sore!”
Medyo napapahiya na si ma’am kaya sumabat na ko “ma’am ano po yung announcement?”
“ah, nag resign na yung English teacher niyo—“
“yung matandang hukluban? ”
“buti naman nag resign na no!! ni hindi na nga maintindihan yung sinasabi nun eh!” nagtawanan naman yung mga classmates ko
Talking about manners!! Mga elites ba talaga tong mga to?! kung mga makaasta parang walang pinag-aralan eh! Tapos etong katabi ko tulog parin hanggang ngayon!!
Gigisingin ko na sana kaya lang bigla akong pingilan ni Michelle
“kung ako sayo, wag mo na ituloy yang binabalak mo.”
“p-pero—“
“gawin mo yan kung gusto mong mapahiya dito.”
Nanahimik na lang ako. Ok fine!!
Yung mga classmates ko patuloy parin sa pagtawa.
“patapusin niyo nga muna siya mag-salita!” sigaw ni Justin
Hay salamat nanaway narin ang president!!“ano, y-yung new English teacher niyo tomorrow pa dadating kaya mag break muna kayo ngayon.”
“I wonder kung sino yung new teacher?”
“sana naman may kwenta na noh! Unlike nang adviser natin na nasa harapan ngayon”
Nagtawanan ulit yung mga classmates ko. Si Ma’am Krissa, dahil siguro sobrang napapahiya na, nag walk-out palabas!
Ang mean naman talaga nang mga taong to!! wala atang teacher ang tatagal dito eh!! Kahit ata si Yankumi di kakayanin ang mga to!! grrr!! Hindi na talaga ko makapag pigil!!
Sa sobrang inis ko napatayo ako bigla “ano ba naman kayo!! Mga wala kayong respeto ah! !”
Tumayo din si Arte 1 at lumapit sakin “sino ka sa palagay mo para sabihan kami nang ganyan ah?!”
“wow! May away! May away!! ” nagtatalon naman si Yanna na kala mo nag che-cheer sa isang basketball game!!
“I’m nobody! Walang name tulad niyo, walang pera tulad niyo pero wala din ako pakialam kung sino pa kayo! Hindi ko na masikmura yang pinag-gagagawa niyo!! Mga asal kalye yang pinakikita niyo hindi niyo ba alam?!”
YOU ARE READING
My Prince
Hayran KurguShe's a commoner He's a prince She doesn't have a good highschool memory He doesn't have a good past They're strangers to each other. Until one day. Unexpected things happend