Chapter 10
[Arcie's PoV]“bat mo binalik? Gusto mo ba yun?” napalingon agad ako dun sa katabi ko and I was shocked kasi hindi na si Yanna ang kasama ko.
“Ji-jiro? Anong ginagawa mo dito?”“masama na ba kong pumunta dito?”
Eto na naman po siya, nag susungit!
“Arcie bigla-bigla kang nawawala let’s go—“ napatingin siya kay Jiro “oh Jiro nandito ka!! Bat ka naman napadpad sa aking boutique ha? Ikaw ha! May bibilhan ka ba ng damit? Or baka naman tumagilid na ang gender mo! ”
I laughed quietly. Malamang tumagilid na gender nito. Eh mukha namang walang girlfriend or nililigawan ang isang to.
“kukunin ko yung damit na inorder ni ate sa inyo.”
“OH MY--!! I forgot! Nasa house namin. Plano ko kasi dalhin sa school kanina kaya lang na-excite ako ng husto pumasok kaya nawala na sa isip ko. Teka wait lang.” may tinawag siya na sang saleslady “yung mga damit and accessories na pinakuha ko complete na ba?”
“opo ma’am” inabot nung saleslady yung napakaraming damit kay Yanna and isang box na puno ng accessories.
Inabot naman lahat ni Yanna kay Jiro “ikaw na muna bahala kay Arcie ha? Lahat ng damit na to pinili ko for her. Kung may makita kang hindi bagay sa kanya palitan mo. Alam kong magaling ka mamili. Sige alis na muna ko.”
Ha? Ano? Teka iiwan niya ko sa Jiro na ito?!
“ah Yanna—“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla may ibinato si Jiro sa mukha ko na damit
“i-fit mo”
Grrr!!! Wala bang manners to?!
Pumunta ako sa fitting room para mag sukat.
Kada isang damit na isusukat ko, laging walang reaction si Jiro. Titingin lang siya sakin mula ulo hanggang paa tapos aabutan na naman ako ng panibagong damit na isusukat. Hay for sure ni-isa walang bumagay sakin.
More on casual clothes yung pinapasukat sakin kaya lang pang sosyalin talaga yung style niya kaya siguro walang bumagay sakin. Meron din siyang binili na isang cocktail dress para daw sa dance fest namin. Wala rin namang comment si Jiro dito kaya for sure hindi rin bagay sakin yun.
“sir, may naiwan pa po pala na dress para kay Ms. Arcie” inabot nung saleslady yung dress kay Jiro.
Tinignan ni Jiro yung dress na may halong pagtataka “para saan daw tong dress na to?”
“hindi ko po sure eh kaso parang nasabi po ata ni Ms. Yanna isang occasion next month”
Napailing si Jiro “ready talaga palagi si Yanna” humarap siya sakin “isukat mo” inabot niya yung damit
Tinignan ko naman yung dress. Teka eto yung dress na hawak-hawak ko kanina ah? Ang mahal nito! Parang hindi ko na ata matatanggap to!
“uhmm. Ano Jiro. Kasi, wala naman talaga akong pag gagamitan nito eh. Wala naman akong occasion na dapat puntahan na kailangang mag suot ng ganitong kagandang damit.”
“hindi pinagkakagastusan ni Yanna ang isang bagay na alam niyang walang pag gagamitan”tinulak ako papasok ni Jiro sa loob ng fitting room “masyado kang ma-angal at maarte. Isukat mo na lang kaya di ba?”
Kesa makipag-away pa ko kay Jiro, sinukat ko na lang yung dress. Ang ganda talaga nitong damit na to! pero baka mag mukha lang basahan pag sinuot ko na.
Lumabas na ko sa fitting room. Bigla namang napatayo si Jiro then again he looked at me from head to toe. This time mas matagal niya kong tinignan kaya medyo na-conscious ako.
YOU ARE READING
My Prince
FanfictionShe's a commoner He's a prince She doesn't have a good highschool memory He doesn't have a good past They're strangers to each other. Until one day. Unexpected things happend