Jane's POV
Nandito na kami ngayon sa loob ng CCTV room para tingnan kung sinong may gawa nun sa mga gamit kong nakakalat sa Canteen.Naluluha pa rin ako dahil s nangyari.
"Nawawala po yung CCTV copy."
"Fck!" sabay suntok ni Axel dun sa nagbabantay ng CCTV monitors.
Pagkasabing-pagkasabi nung lalaking nag babantay sa mga CCTV monitors ay tumakbo agad ako palabas at humagulgol ulit ng iyak.Wala na bang katapusan ton iyak ko ? Nakakinis na.Bakit ba ang babaw ng luha ko.
"JANE!" narinig ko na sigaw ni Mich pero hindi ako lumingon bagkos mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko.Pagkalabas na pagkalabas ko naman agad ay pumara agad ako ng taxi.
"Ma'am san po tayo?"
Ganito ba talaga ang buhay? Ang iyakin at malas ko.Nung bata ako namatay yung kapatid ko.Tapos marami rin naman akong kaibigan nung bata ako pero pag may ipapakita akong mga new things at talents ko nagagalit sila sa akin,kinakalaban na nila ako at inaaway.Kahit wala naman akong masamang ginawa sa kanila.Tapos nung may Grade 6 ako , nalaman ko na crush rin ako ng crush ko.Isa sa mga close friend ko inaway at inapi-api ako.Tapos ngayon ito na naman ang mangyayari ? Wala na bang katapusan ?!
TT_TT
"Ma'am!"
Nagulat ako sa sigaw ni manong driver kaya napaharap ako sa kanya na di humihinga dahil sa kaba.
"Ma'am pasensya na po kung nasigawan ko kayo.Hindi kasi kayo nakikinig eh." sabi ni manong taxi driver kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
"A-ano po yun ?"
"San po tayo?"
"A-ahh.S-sa M-MOA na lang p-po." sabi ko sa kanya.Wala na kasi akong maisip.Gusto kong mag ice cream ngayon.
"Sige po." tapos pinaandar na ni manong yung taxi.
Naiiyak na naman ako.Letse to! Huhu.
"Bakit po ba kayo umiiyak maam?" tanong ni manong driver na ikinabigla ko kaya pinunasan ko yung mga luha kong tumutulo.Nakakahiya naman , kahit saan-saan na lang ako umiiyak.
"W-wala po to manong."
"Sige na po.Baka po may maitutulong ako sa inyo."
"Ahmmm..." nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba.
"Maasahan po ako maam."
Ngumiti muna ako ng pilit kay manong at huminga ng malalim bago ako nagsalita... "Ganito po ba talaga ang buhay manong? Kahit wala kang ginagawang masama, may mga tao talagang ayaw sayo?"
Naramdaman ko namang tumulo yung luha ko kaya pinunasan ko kaagad yun.
"Meron kasing mga tao na tinatawag nating insecure na kahit wala kang ginagawang masama ay gagawan ka nila ng masama o kung ano jan.Meron ring tao na konting pagkakamali mo ay huhusgan at huhusgahan ka talaga nila kahit hindi pa nila alam ang totoo." sabay ngiti ni manong.
Naks! May pinanghuhugutan ba ito si manong.Galing ah!
"Maam , nandito na po tayo."
"O-ok.Maraming salamat po manong." sabay abot ko nung 500 at lumabas na ng taxi.
"Maam! May sukli pa po kayo." narinig kong sigaw ni manong kaya lumingon ako at sumigaw rin.
"Keep the change na manong.Sa inyo na po yan." sabay kaway ko at ngumiti.
Ngumiti rin si manong at nag salute. "Salamat po maam!"
- - - - - - -
Naglalakad ako ngayon papuntang Ice Cream parlor ng MOA.Pampalamig ko lang. *sigh*
BINABASA MO ANG
Kill,Crush and Marry(JaXel Fan Fic)
Genç KurguA story of a girl named Jane Oineza who has a crush on Axel Torres a hearththrob in their campus. Completed ✓