"Mga elemento ang pumapatay sa tao?" Kinunot niya ang noo. "Hindi ako naniniwala!" Padabog na binagsak ang baso at muntik pang nabasag ito.
Nagtinginan ang mga tao sa balisang pulis may kinakausap sa telepono. Sa himpilan, iisa na lamang ang natira bilang night watch.
"Sir, inaakusa mo bang may mga demonyo sa paligid-ligid?" Agaw ni Joselito, ang kanyang tinig umaalingawngaw sa buong presinto. "Hanapin mo ang totoong pumatay, kung hindi..."
Sisikapin niyang isugpo ang mga pinaniniwalaan ng tao buhat ng siyentipikong pruweba! Ang takot na labi ay siyang lilikha ng kwento para lamang matustusan ang kinakailangang pruweba.
Sa kanyang pagmartsa palabas ng presinto, umaagapay din ang mga papeles na lumilipad sa hangin. Kung saanman lumipad ang mga sipi ng mga lathalain... Mistulang sabay-sabay dumadagsa ang mga halimaw sa bayan ng Concordia.
Manuskrito masusulyap ang artikulo ni Rosamie na siyang 'di pa inilathala. Aswang sa Tren- ASK Club ng Academia de Memoriam.
Naghahanap, nagsisiyasat... Sa itinagal tagal niyang naglalakad sa lupang ito, ang suwelas ng kaniyang sapatos ay matagal nang pudpod.
Siksikan ang mga katawan. Papikit-pikit na siya kahit maaring may magnanakaw ng pitaka. E, wala namang laman ang kanya.
Habang nakasakay sa tren, nasusulyapan niya ang mga karatula. "Naghahanap ng mamamasukan." Kumibo siya dito, hanggang nabasa niya ang susunod. "Kinakailangan ng lisensya." Bumaba ang kanyang mga balikat.
"Liu, kapag hindi Pilipino ang tatak ng pasaporte, ipinagbabawal kumuha ng board exam sa kolehiyo."
Kahit gaano pang kataas ang dunong, ang nasyunalidad ay humadlang. Kunot ng noo. Kung binigyan lamang ng pagkakataon, marahil may trabaho na siya.
"Wala kang lisensya?! Aba! Saan ka pa makahahanap ng trabaho?" Pagkatapos, hampas palabas ng opisina.
Kahit saan man siyang pumunta, ang kadena ay kumakapit sa bawat karag. Umiinit ang kanyang tenga sa atensyon. Maraming nakatitig sa kanya, isang maruming Tsino. Mga matang nandidiri, mga matang hukom.
Yaong nasusunog ang kanyang balat sa bawat tingin. Dayuhan. Umuulit nang umuulit itong salita. Dayuhan.
Naghihingalo ang mga ilaw. Tumingala siya. Humihina at humihina... hangga't tuluyang napundi ito. Biglang dumilim ang tren at huminto.
Nagsulputan ang pagtangis ng mga bata at matanda. Nawalan ng malay ang iilan.
"Lisanin ang mga mata, karag ito ng kaluluwa."
Humapdi ang tenga kaya hinawakan niya ito. Naglakihan ang mga mata ng pasahero, namumutla pati. Nakatitig lamang sila sa bintana.
May anino... Anino ng aswang na namumula ang mga mata. Hugis ng ruby na dumudugo.
Patusok ang pangil niyang dumudugo rin. Mala-insekto ang buto-butong katawan na halos hindi na maalala ang pagiging tao.
Kakagatin na silang lahat... Ito na ang katapusan. Nasa harap pa naman ni Liu ang demonyo. Makakasalubong niya na ang kamatayan nang buong kasawian. Hindi pa siya handa. Nasa antala ng buhay kung kailan lamang magsisikap siyang talunin ang mga demonyong hinaharap...
Nang tinignan niya muli, bumula na ang anino ng aswang. Huminga siya nang maluwag. Kumapit siya sa buhay.
Nilampasan nila ang Tsinong sementaryo kung saan ang mga bangkay ay patong patong nabubulok. Iyan ang halaga niya at wala nang iba. Kahit sa kamatayan, sawi pa rin ang kanyang kapalaran.
Nakarating na ang tren sa huling hinto kaya bumaba ang mga natirang pasahero. Itinulak siya palabas. Palakad lakad lamang siya na walang destinasyon.
Ay, at ang simbahan sinaraduhan siya ng pinto. "Hindi binyag." Iyan ang tawag sa kanya kahit kabaliktaran naman ito. Ang mga nanunukso naman, sinasabing Kristiyano ngunit baliktad din ang asta. Kristiyano ngunit mas makapangyarihan pa kaysa Diyos?
Lumuluha na siya sa kapalaran ngunit ang pagluha ay hindi tindig ng lalaki. Sawing kapalaran buhat ng simpleng dugong umaagos sa katawan.
"Puti. Dilaw. Itim. Lahat nito pag ipinagsanib ay iisa. Tayo ay tao. Hindi tayo kulay." Isinisigaw sa mga pag-aalsa... Ngunit, saan ang akyson?
"Intsik! Maglinis ka nalang ng alkantarilya!" Halakhakan. Biruan. Birong hindi naman nakakatawa, mas lalo pang nakasasakit. Saan ka pa nakakakita ng baliktad na ugali? Karag niya ang kadena, lublob pa sa utang.
Sa balisang pagmumuni, hindi niya napansin ang kabataan at pulisyang tumatakbo patungo sa paalis na tren.
BINABASA MO ANG
Sabi-Sabi
Mystery / ThrillerUpdates every Saturday, Ongoing Habang tinutuwid ni Marisol ang mga lihim ng kanyang nakaraan, tinutuklas niya muli ang sarili. Gumuho ang mundo niya nang ibinunyag ang tunay na masidhing damdamin... Kaagapay nga ba ng pagbabago ng sarili ang pag-un...