Tumingala si Marisol sa pagkakataong hindi kinakailangan magtakip sa mga sinag ng araw. Maaliwalas ang panahon. Ang unang banta ng darating na bagyo.
Kumatok siya sa kahoy bilang paggalang sa mga espiritu. Karaniwang tuwid ang mga puno sa gubat, nag-iisa lamang ang baluktot. Iyon ang punongkahoy ng balete na sinasabing tinataguan ng kapre.
Kaaburiduhan ng Kapre! Tinitirhan ng mga panibagong nilalang ang matayog na punong balete.
"Karaniwang matatanaw ang kapre bilang isang maitim na higanteng naninigarilyo." Nakita raw ni Ms. Saber. Kahit maaaring hindi tunay ang mga mito, may kahalagahan pa rin ito sa literatura ng mga tao. "Nabubuhay sila kung naniniwala ka."
Umupo siya sa lupa upang gumuhit ng kapre. Napangiti siya, naalala ang matalinhagang Ms. Saber at misteryosong Gg. Catindig. Sa itinagal-tagal ng panahong pagsasama nila, magulang na ang turing ni Marisol sa kanilang dalawa.
Hindi niya akalain na magiging buo ang puso niya 'pagkat marami siyang siniraan. It's not about deserve.
May matatalik pa siyang mga kaibigan na sina Matthias, Rosa, at... Jules. Noon, tinatanggihan niya ang Tadhana. Sa paniniwala niya, ang tao lamang ang may kontrol sa sariling aksyon. Pumikit si Marisol. Gulong gulo pa rin sa isip niya ang kagabi.
Nasa isang kama lamang sila ni Jules natulog. At hindi sa paraan na iniisip ninyo 'pagkat walang sapin sa sahig at kasya naman sila. Tadhana, di ako naniniwala sayo ngunit ikaw ba ang gumagawa nito?
Nakapatong ang braso ni Jules sa beywang niya. Magkaibang magkaiba ang maiksing kulot ni Jules at ang mahabang buhok ni Marisol. Iilang buwan na silang nag-uusap sa labas ng ASK.
"Bakit bang pinili ko pa ang nag-iisang puso na hindi ko maangkin?" Pabulong na wikain ni Marisol, unti-unting nawawalan ng pag-asa sa hinaharap.
Kahit nasa Tagaytay sila para sa retreat, taimtim ang mukha ni Jules habang natutulog. Ngunit di makatulog si Marisol, nanaginip siya ng masama at binangungot pa. May kapangyarihan ang panaginip.
Crunch... mga malulutong na dahong natatapakan. Crunch... Ngayong taglagas, may iilan pa ring nangangamba sa kanya kahit tahimik na si Loralei. Itinuon niya muli ang pansin sa mga nalalantang luntiang...
"...Dahon." Kay Efren lamang ang ganyang uri ng malalim na boses. Sumimangot siya. Dahon? May nagbebenta ng... Naglaki ang mga mata niya.
"Oy Isko! ...Halika dito, ang bango-" Kinukumpirma nila ang duda ni Marisol sa bawat salita. Hinulaan lamang niya na adik sila.
Sampal. "...Tumahimik ka nga, baka may makarinig!"
May nakakarinig nga. Kung makuha lamang ang pakete at maibigay sa guro. Efren, Isko... humanda na kayo sa pagsisira niyo kay Jules.
Sa yapak niyang palapit nang palapit kina Efren at Isko, wala na siyang pakialam sa pagtataboy ng mga burol.
May nakakalimutan si Marisol. Magsabi ng tabi-tabi po. Hinila siya ng lupa.
"Aling halimaw naninirhan sa burol..." Limitado ang hangin sa ilalim. Ito ang pinakamalapit na naabot ko sa ina.
"Duwende... Dati akong tinatawag bilang Ramon Salvatore." Matalinhaga ang kanyang diwa, kumikinang ng ginto ang kanyang balbas. Maliit lamang siya na tao.
Napatigagal si Marisol. "Tina-tinatawag nila akong Kumiho." May katotohanan naman ito, 'pagkat iyan ang palayaw niyang mas naririnig kaysa ang sariling pangalan. Ngiting matamis ang kanyang binigay, sapagkat naalala niya ang payo na huwag ibigay ang ngalan.
"Mukha ka pang mortal ah." Kinunot ng duwende ang noo niya. "Tao lang din kaming mga halimaw noon," Kapag dinatnan ang kanyang balahibo't balbas, malabo nang masasalamin ito. "Ngunit, ang panahong iyon ay matagal nang lumipas."
Naglulunos ang kanyang buntong hininga. Tumingala si Salvatore sa langit, kung saan si Bathala ay nakaupo sa trono. Ito ang kapalaran inilatag ng Maykapal.
"Mawalang galang na, bakit po nagpapakita kayo sa mga mamamayan ngayon?" Napakaraming kumakalat na sabi-sabi mula sa mga labi ng takot.
Ang aswang na nakita sa tren... Nasa ospital na si Rosa sapagkat nasilawan ang halimaw sa klik ng Kodak. Sa dumadagsa na mga elemento, masasabing realidad na ang mito sa bayan nila.
Itinungga ng duwende ang mahikang inumin. May saglit na pagtigil bago siyang sumagot.
"Ang linyang sa kalagitnaan ng tao at demonyo ay manipis..." Sumipsip muli sa metal na baso. "...at maaring hakbangan sa madaling paraan- pagkawalan ng pagkatao at prinsipyo." Binaba niya ang inumin.
'Ano itong inumin?' Pagtataka ni Marisol sa isipan.
Sa paghahanda siraan ang tropa nina Loralei, Efren, at Isko... May mabuting pagkatao pa ba sa akin? Moralidad niyang bulok. Ano kaya ginawa ni Ramon para maging duwende? Mabuti naman siya-
"Pasensya ka na," Sambitla ng matandang Ramon. "Ilang dekada na pero ang gunita ko ay mapait pa rin."
Tumayo bigla ang duwende, mga butong baluktot ay nagiging hubog tao. "Salamat Kumiho, at sa wakas makakaalis na si Ramon Salvatore. Pangitain ko ang araw na itong magkasalubong tayo bago kang maglalayag na salbahin ang iba pang mga halimaw."
"Saglit lang Lolo, ibig mong sabihin na magiging halimaw din ako?"
Iyan lamang ang ibig sabihin ng pagsasabuhay ng mga istorya. Istorya niyang magkaugnay sa kumiho... na walang puso hangga't angkinin ang iba.
Ngumiti nang lubhang kaawa-awa si Ramon. Sa pagpikit ng kislap mata, wala na siya. Nasa susunod na mundo ang kanyang kaluluwa.
BINABASA MO ANG
Sabi-Sabi
Mystery / ThrillerUpdates every Saturday, Ongoing Habang tinutuwid ni Marisol ang mga lihim ng kanyang nakaraan, tinutuklas niya muli ang sarili. Gumuho ang mundo niya nang ibinunyag ang tunay na masidhing damdamin... Kaagapay nga ba ng pagbabago ng sarili ang pag-un...