IV: Tuligsang Tikbalang

12 0 0
                                    

Lumingalinga siya sa paligid. May mahahabang anino na sumusunod sa kanya sa bawat yapak. Karag pa ni Abian Bulanon ang backpack niya.

May pulbo sa loob nito... May makakahalata kaya? Binaba niya ang bag sa lamesa. Nakatuon sa pagsundot ng stick ang guwardiya.

"Buksan mo." Kumikirot sa damdamin ang malamig na tinig nito. Isang guwardiya lamang makakita ng laman, may kaso na agad siya sa barangay.

Walang imik si Abian, natutuyo ang dila. Napilitan siyang buksan ito, sa harap pa ng himpilan.

Himalang iba ang loob ng bag niya. Sa loob, walang masusulyap kung hindi ang mga librong di niya naman dinadala.

Namalagi ang isipan niya sa milgarong ito nang ilang sandali. Implosible naman. Pagkaraan noon, tinahak niya na ang paglalakad patungo sa kasilyas.

"Kailangan mong maging masaya, Abian." At gaya ng ginagawa ni Loralei, ngumiti siyang pilit. Sanay naman siya. Halos lahat ng mga kasamahan niya hindi tunay ang ngiti. Ganoon talaga ang mundo, wala na siyang magagawa pa.

"Pare mo ito, si Efren." Kinakausap niya ang sarili habang nakatingin sa salamin.

Kahit pagod na siya, kailangan niyang magpakita. Sumimangot si Abian. Namumula ang mga mata niya. Sabog! Siguro kulang sa tulog? Iyon lamang ang dahilan.

Pagdating sa salo-salo, susuntukin ni Efren Bartolome ang balikat niya. Tatawa siya. Ito ang ritwal nila. Si Isko Guinto ay aabot ng dahon at lalanghapin niya.

May kakaiba naman sa bawat salo-salo kaya 'di maaring mainip siya. Palipat-lipat daw ang lugar, kahit sa paningin niya ay iisa lamang ito na padilim nang padilim.

Ngayong Biyernes, may hawak pa siyang inumin. Sinusunog nito ang lalamunan niya.

"Pare, sige na subukan mo ito." Tinutulak ni Efren ang ecstasy. "Magkapalalaki ka naman."

Iyan ang kahinaan ni Abian, kapag nawala na ang pagiging lalaki isa nalang siyang kalansay na buhay. Kung kaya't tinanggap niya ang droga.

Mga kulay na umiikot, mga tunog na lumalakas... Iyan ang epekto sa panlabas ngunit sa loob? Nabubulok na ang katawan ni Abian.

Kailangan ikalimot ang problema... Kailangan patibayin ang sarili... Kailangan maging tapat sa tropa...

Kaya itinungga niya ang lason. Aliw na aliw naman ang mga kabarkada niya, kaya't walang anuman ito. Sa mga gabi tulad nito, napupuno ang espasyo sa kanyang dibdib.

Berde, dilaw, at rosas... Maliliksi ang pag-iikot ng kulay at mga anyo. Garing ang mga ngiti ng mga kaibigan sa lihim na handaan nila.

Kumapit sa bisig ni Efren si Hazelle Banawag, may sinasabi ngunit di niya marinig ang mga labi. Galak ata sila sa alak.

Sa karimlan, halos anino na lamang ang kanilang mga mukha. Lalo na si Efren, na mukhang madungis ang iniisip kay Hazelle.

Si Rey Banawag naman ay namamalagi sa isang sulok, mga mata niyang natitinig ang aliw sa mga pangyayari. Bago niyang matawag si Rey upang sumalo rin sa inuman, may humimas sa kanyang braso.

"Doktor..." Bumubulong sa tainga niya si Loralei, na para bang bubuyog. "Ako'y may sakit, at ikaw lamang ang makakagamot."

Tumango si Abian, pinasa ang cocaine. Dumilim ang kanyang paningin nang dumapo ito sa suso ni Loralei.

"At paano mo naman babayaran si Doktor Bulanon, aking pasyente?" Pabiro lamang ang tugon niya, kahit sineryoso naman ng babae ito.

"Halika, ipagmasdan natin ang anatomy ng katawan." Hinubad ni Loralei ang salwal, malibog sa paghapo ng lalaki.

Naghihingalo ang mga ilaw, o kathang-isip lang ba iyon? Sumusuray na sila sa pag-akyat ng hagdan. Naglaban ang kanilang korte nang gabing iyon. May pustahang pa kung sino ang namalagi sa itaas at kung sino ang nasa ibaba.  

Sabi-SabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon