"Mari, nagdudurusa ang aking puso."
Heto na naman ang pambungad. Pumikit siya. Sana kabahan nalang siya sa pagbanggit ng kaniyang love life. Buong diwang sawa na si Marisol. Sa kanyang masamang kapalaran, humahantong sa ganitong mga eksena ang kanyang buhay.
"Hay, tama na." Umikot si Marisol upang harapin ang kanyang kaklase. Di niya maalala ang pangalan nito. Hindi naman mahalaga 'pagkat alalang-alala ito sa suliraning hinaharap.
"Marisol! Wag mo nga sabihin yan, ang galing-galing mo kaya magbigay ng payo." Galaw ng galaw siya sa giliw.
Ang bibo naman ni ate, habang ako dito tulog pa. Tuloy-tuloy ang pagsalita ng kanyang kausap.
"Alam mo namang masochista ako diba?" Masochista... as in naghahanap ng sakit?
"Eh paano, mula kabataan isinasampal ng magulang." Inikot ni Marisol ang kanyang mga mata.
"Iba ito. Actually, sinabihan nila ang aking BF; 'Kung magiging mapanganib ka sa anak ko...'" Naputol ang sinasabi niya.
Bam! Kumalansing sa bakal ng locker ang isang katawan. Nangangambang tumakbo agad ang kausap ni Marisol.
"Tignan mo 'to, pare-" Panaghoy ng isang lalaki sa katabi habang hinahawakan sa kuwelyo ang inaaway.
"Gangster si Julian- Ang daming pasa e, astig!" Sabay turo ng maruming daliri sa biktima. Bakat ang luntiang ugat sa namumuting balat.
"Efren. Isko. Huwag ngayon." Nakatingala sa kanan ang mukha niyang nangungutya. Itinago pa niya ang natutuyong peklat sa labi. Kung alam lang nila... Hindi gaanong astig ang rason ng mga bugbog sa katawan niya.
"May inaaway ka, Castellano? Akala ko ba sikolohiya kurso mo!" Humalakhak si Isko, kaya't tinitigan ng mga estudyante. Lumapit ang dalawa kahit palayo nang palayo ang lakad ng biktima.
Kinapitan ni Efren ang braso ni Julian Castellano. Bago ang pasa sa pisngi, kaya't nang pinisil ni Isko ito...
"Bitawan ninyo ako!" Pumiglas siya sa hawak nila. Tinuhuran niya si Efren, kaya't namilipit ang lalaki sa sakit. Sasapakin na siya ni Isko kaya't gumawa ng eksena si Marisol.
Bang! Sa pagbukas ng locker, tinamaan niya si Isko. Nabuwal ito, napasilantad sa sahig. Walang pakialam si Marisol.
"Nasa gang siya-" Kinunot ni Marisol ang noo niya. Putlain at bugbog ang inaaway nila. "-Ah ganon ba... Magsasalita kayo nang magsasalita na walang batayan sa totoo?"
"Paano kung sinabi kong... nagdrodroga kayo?" Hinulaan lamang ni Marisol ang sikreto nila. Walang patunay ngunit mas makapangyarihan ang wika niya kaysa itong dalawang adik na naghahanap ng kaaway.
Lumaki ang mga mata nina Efren at Isko. Ah, sikreto. Sa wakas, napalayo din ang dalawang lalaki.
Hinihingal pa si Castellano. Saklolo pa rin ba kahit nagmula sa kalahi ni Loralei? Matalas din ang dila nitong Koreana. Umiling siya. Ang saklolo ay nagmumula sa may layong tumulong.
"Jules Castellano." Tumayo siya nang marahan 'pagkat may panibago na namang pasa sa likod.
"Sol. Marisol Chen." Ngumiti siya, makapal na labing naging manipis. Kung asukal ang ngiti ng sirenang Loralei, ito ang tunay na ngiting ginto.
Pruweba sa inaakala ni Jules. Kilalang kilala niya ang ngalang iyon.
Latigo ang dila sa mga sinasabi at pati na rin sa halik. Nagnanakaw siya ng puso bilang aliw. Itinatrato ang pag-ibig bilang laro sapagkat walang tumatagal na lalaki. Buntong hininga, handa na siyang umalis bago maangkin din ni Marisol ang puso niya.
May hawak siyang concealer. "Para sa ngayon, itago muna natin ang mga luntian para walang titingin."
Tumango lamang ang kanyang kausap, laking gulat sa marahan na salita ni Chen. Unti-unting nawala ang mga lilang sugat pagkatapos dahan-dahang hinaplos ng daliri ni Marisol. Nawala ang mga inggay ng mga kaklase na para bang sila lamang ang dalawang tao sa mundo.
"Salamat ah." Nakatitig si Jules sa sahig, mga pisnging namumula.
Simula noon, matatanaw silang magkasamang maglakad sa eskuwela. Ang gulo na nasa isip nila ay pumanaw sa munting pagkikita. Sumasalamin ang kanilang tindig sa isa't isa, nagsisiyasat ng kapanalig sa mga problemang hinaharap bilang dayuhan.
"Pag sinabi kong mula ako sa Timog; bagkus k-pop, k-drama, at kung ano-ano pa ang itatanong sa akin. Pag sa Itaas, tatahimik na lamang sila at lalayo." Inangat ni Marisol ang kilay niya.
Tinignan niya muli ang balat ni Jules. Halatang may bukol pa rin ang matataas na cheekbones niya at maaring durog ang buto sa ilong.
"At least di ka mula sa lahi ng manlulupig ng kanilang bansa." Namumula ang mga kulot ni Jules, tinatamaan ng sikat ng araw. Hihinting nalang ba ng Espanya bilang mananakop?
"Manlulupig? Paano pa kaya ang may-ari ng nuclear bomb?" Natatawa si Marisol.
Huminto sila sa paglalakad at nagtinginan sa isa't isa. Sa ilalim ng mahahabang pilik mata, abong bughaw ang mga mata ni Marisol Chen.
"Hay, tama na nga. Hudyo sila sa mga kamalian na minana lamang natin." Paawat ni Jules, na nagsimula ulit maglakad.
"Kabigha-bighani kung bakit pang sinauna ang pag-iisip kahit moderno na ngayon." Bigkas ng labing malarosas ang pinta.
"Magsisimula na ang ASK club!" Panaghoy ng Amerikano kasabay ang pagtapik ng balikat ni Jules.
"Oh? Ano yun?" Tunog interesadong sumali si Marisol.
Ngumiti lamang ang kausap niya at sinundan si Matthias. "Ang Sansinukubang Kwento."
BINABASA MO ANG
Sabi-Sabi
Misteri / ThrillerUpdates every Saturday, Ongoing Habang tinutuwid ni Marisol ang mga lihim ng kanyang nakaraan, tinutuklas niya muli ang sarili. Gumuho ang mundo niya nang ibinunyag ang tunay na masidhing damdamin... Kaagapay nga ba ng pagbabago ng sarili ang pag-un...