Chapter 9: Love Problems?

12 0 0
                                    

Chloe's Pov

Bakit ko kasi kailangang makita yun? Pero bakit kailangan kong masaktan? Bakit ginawa ko yun? Ni hindi niya nga alam na gusto ko siya oh wait mahal na pala.

“Ma'am ayos lang po ba kayo?” tanong ni manong kaya naman napapunas ako ng mata ko at pisngi.

“Okay lang po ako manong napuwing lang po ako.” palusot ko, mukhang naniwala naman ito.

“Alam niyo ma'am maipapayo ko lang po sa inyo na kung mahal niyo siya aminin niyo kung ni-reject man niya kayo masakit man pero kailangan tanggapin. Marami pa pong tao dyan at may tao din na nagmamahal sa inyo hindi niyo lang alam dahil yung puso niyo tumitibok lang sa taong mahal niyo.” nagulat ako sa sinabi ni manong parang pinapa-realize niya sa akin ang lahat. Umamin? Paano ako aamin sa kanya eh wala akong lakas na loob na sabihin sa kanya yung nadarama ko.

Nakauwi na rin ako hindi na ako bumalik sa school dahil nawalan na ako ng gana. Dumiretso na ako sa kwarto buti na lang nasa trabaho pa sila mama at papa.

Nahiga ako sa kama, iidlip na sana ako ng may tumawag.

Ring...ring

“Hello?”

[Chloe asan ka na ba?! Bakit bigla ka na lang nawawala!] umupo ako dahil isang mahabang sermon ang aabutin ko dito.

“Nahihilo kasi ako kaya nagpauwi muna ako.”

[Eh bakit hindi ka nagpunta muna ng clinic at tsaka sana nagpaalam ka para alam ko.]

“Sorry Serrie...I'll just call you later na lang hindi na kasi talaga maganda ang pakiramdam ko.”

[Okay ganito na lang pupunta ako dyan okay lang ba?]

“Okay lang sige just text or call me kung andito ka na bye.”

Binaba ko na yung phone ko at umidlip. Sana matapos na lang tong araw na to. Sana maging okay na ang lahat.

Raffy's Pov

Ano kayang problema ni Chloe? Nag washroom lang ako nawala na siya! Eh kasi naman kung hindi niya sinabi yung sa boyfriend thingy kung alam lang niya na may fake boyfriend na ko hindi na pala boyfriend future fake husband pa! Hay buhay ni Maria Serafica Armida....hay balik na nga kay Chloe. Alam ko na hindi masama ang pakiramdam dahil kilalang-kilala ko na yang si Chloe kapag may problema yan magpapanggap na nahihilo o masama ang pakiramdam.

Sa wakas natapos na rin ang klase, pupuntahan ko muna si Chloe para makausap ko siya ng maayos.

“Saan ka pupunta?!” tanong sa akin ni mokong, aba kailan ko pa naging tatay to kung makatanong wagas!

The Unplanned Marriage [ ON HOLD and EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon