Raffy's Pov
Nagising na ako dahil sa sikat ng araw na tapat sa akin. Nag-unat-unat na ako, napatingin ako sa tabi ko at as usual wala na siya baka na sa kusina na yun.
Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Parang all of a sudden nangyari bigla yung kiss na yun. Hindi ko alam kung joke ba yun or ewan.
Nung lumabas na ako ng kwarto nakita ko siya na kumakain na kaya umupo na ako para makakain na rin.
Nakakabingi rin pala ang sobrang tahimik at ang awkward ng atmosphere namin ngayon.
“Mauuna na ako sayo, eto extrang susi in case lang, ikaw na bahala dyan.” sabi niya at lumabas na ng condo.
Wala na akong magawa kundi magligpit pagkatapos naligo na ako at nag-ayos.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng condo at naglakad papasok ng school.
Habang naglalakad hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung nangyari kagabi. Parang urgh! I can't explain.
Nakarating na rin ako sa school, sa pagpasok parang andami atang tao sa quadrangle.
“Fie!” napalingon naman ako, Si Carson pala.
“Oh bakit? Anong meron bakit ang daming tao?” tanong ko
“Ano ka ba practice ngayon para sa JS Prom!” ahhh...oo nga pala! Eh kasi naman eh ang daming pumapasok ngayon sa utak ko.
“Tara na pumila ka na sa section mo!” bigla naman akong hinila papunta ng quadrangle.
Pumila na ako sa section namin, umakyat naman ang isang teacher sa stage.
“Ms. Serafica and Mr. Rafael, you'll be partners!” sabi ni Miss Dimitri
Mukhang nagulat naman yung mga tao sa quadrangle. Paano ba naman ikaw ang i-partner sa enemy mo, sino ba naman di magugulat di ba?
Tumabi naman siya sa akin at yung atmosphere talaga ang awkward!
“Please hold your partner's hand and follow the steps.” nagkatinginan naman kami ni Raf, medyo awkward talaga.
BINABASA MO ANG
The Unplanned Marriage [ ON HOLD and EDITING ]
Lãng mạnMaria Serafica Armida at Rafael John Enriquez ay kilalang magkaaway pero sa isang sitwasyon na gusto nilang takasan ay nagkaroon sila ng plano na magpanggap bilang magkarelasyon. Pero sa hindi nila inaasahan na pangyayari na kung saan mag-lelevel up...