A/N:
Picture of Sandra Sandoval (Suzu Hirose) on the multimedia box. :)
Enjoy reading!
Chapter 03: Newbie
ASTRID
“I'm sorry Rid.”
F*ck! Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni Hotaru nung isang araw sa'kin. Paulit-ulit siyang nagrerewind sa utak ko. Kaasar!
C'mon Astrid! It's just a simple sentence from Hotaru. Kalimutan mo na yun. It's not important.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko papuntang classroom. Pero nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko at umakbay. What the!
“Hi bestfriend.”
Isang babaeng may bangs at naka-bob haircut ang sumalubong sakin while smiling like an idiot. Tss.
Tinaasan ko siya ng kilay. “And who the hell are you?”
Sino ba 'tong babaeng 'to? Dinaig pa ang lalaki kung makaakbay ah. Feeling close masyado.
Tatanggalin ko na sana ang kamay niyang nakaakbay sa'kin ng bigla naman niya itong alisin sa balikat ko. Ano bang problema ng isang 'to?
“Ano ba naman 'yan! Hindi mo na maalala? Okie fine, I'm going to introduce myself again, I'm Sandra Sandoval. Yung sobrang gandang babaeng iniligtas mo mula sa bakulaw na si Leslie. Naalala mo na?” sabi niya sabay taas-baba ng kilay.
Tsk. Ang kulit ng babaeng 'to. Sige na nga, pagbigyan nang tumigil na.
“Oh yes, naalala ko na. Now, ok na? Get out of my way.”
Pero imbes na lumakad palayo, katulad ng ginagawa ng iba, kumapit pa siya sa braso ko at naglakad kasabay ko.
F*ck! Ang ayoko sa lahat yung hinahawakan ako eh.
Marahas kong inalis yung kamay niya tsaka siya tinitigan ng masama. “Don't. Touch. Me.”
Kumunot naman ang noo niya at nagtaas pa ng kilay pero maglaon ay ngumiti rin. “Ang OA mo naman prend! Parang hinawakan ka lang naman eh. By the way, nalaman ko na classmates tayong dalawa. Hindi ko alam yung classroom natin kaya sabay na lang tayo. Lets go!” hindi agad ako nakareact sa sinabi niya.
Ano daw? Classmates?
Hindi ko namalayan na hila-hila na pala ako nitong babaeng 'to sa kung saan. Teka...
“Yung totoo? May sense of direction ka ba?”
Pano ba naman, manghihila na nga lang sa maling lugar pa. Kailan pa naging classroom ang garden?
Tumalikod na ako sa kanya para pumunta sa classroom. It's nonsense, wala akong mapapala sa kanya.
And besides, I'm late and that's because of this girl. Wala namang kaso sa'kin ang malate, it's just that exam day ngayon kaya kailangan kong pumasok.Ramdam kong sumusunod siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin at nagdire-diretsyo ng lakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng classroom namin.
Grade 12: ABM (Accountancy and Business Management)
Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at pumasok na lang ako sa classroom. Napatingin na lang sa'kin yung teacher ko at hindi na ako sinaway pa. Takot niya lang na magaya dun sa isang teacher na finired ko agad, wala pang isang araw.

BINABASA MO ANG
Clandestine: The Untold One | ON HOLD (UNDER REVISION)
Action[Book 1 of Clandestine Trilogy] Being the famous Astrid Montefalco is somehow, really cool. Sino ba namang hindi makakakilala sa BATAS ng buong school na sobrang ganda, sobrang yaman, sobrang talino... at sobrang sama ng ugali? Yeah, you read it rig...