Chapter 17: That Jerk Named Eros
AGATHA
“So what's the plan?” bored na tanong ni Xander na tahimik lang na nakatingin sa labas.
Nasa loob kami ngayon ng kotse niya matapos niya akong tawagan at ibalitang in-assign kami ni Toshiro-san para bantayan 'yung dalawang babae na dumukot kay Astrid. Nasa labas kami ng R.A at naghihintay na lumabas silang dalawa.
Ngayon lang may nagsalita sa amin at halos ilang minuto din kaming nanahimik. Argh! I hate this atmosphere. Mas gusto ko pa 'yung dating kami na halos magpatayan na sa asaran. Bakit ba kasi walang preno 'tong bibig na 'to eh. Kaasar.
At oo, matagal ko ng gusto si Xander. Simula pa nung first year highschool pa lang kami ng ipagtanggol niya ako sa mga bumabastos sa'kin sa school. Siya din ang dahilan kung bakit ako naging miyembro ng Umizaki Empire. Sobrang gentleman ni Xander noon na isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Pero nagbago 'yun ng iwan siya ni Valixia, ang first love ni Xander na isa ding member ng Umizaki. Biglang nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Because of that, he never become serious when it comes to relationship and he begun to treat women as a play toy.
Nasaktan ako noon ng malaman kong naging sila ni Valixia, pero mas nasasaktan ako ngayon dahil alam kong hanggang ngayon, siya pa din ang mahal ni Xander.
Nabalik ako sa sarili ko ng maalalang nagtanong nga pala si Xander. Humingi ako ng malalim at nagsalita. “Ano pa nga ba edi sundan 'yung dalawa,” pagsusungit ko.
“Tsk, nagtatanong ng ayos ih,” mahina man ay rinig ko pa rin ang sarcastic niyang sagot. Tss.
“Aba! Seryoso ako sa sinabi ko Alexander Blight. Susundan talaga natin 'yung dalawa lalo na 'yung Fiona na 'yun dahil siya ang ex ni Eros,” I answered. “There's a big possibility na siya ang unang puntahan ng Eros na 'yun.”
“Oo nga sabi ko nga, gagalit ka agad ih,” he pouted.
Natawa ako sa itsura niya dahil nag-pout siya bigla na parang bata. “Mukha kang unggoy,” natatawa kong saad.
“Malabo na ba 'yang mata mo Aggie? Masyado akong gwapo para magmukhang unggoy no!” depensa niya.
Tumawa lang ako sa sinabi niya at nakitawa na din siya sa'kin. After that, silence filled the car once again.
I came back to my senses when I realized that I laughed because of him. Argh. I already promise myself that as much as possible ay lalayuan ko muna siya dahil ayoko ng umasa at masaktan pa ulit. But here I am now, enjoying his company.
I was about to put on my earphones para sana maka-iwas sa pakikipag-usap sa kanya nang bigla siyang magsalita.
“I'm sorry Agatha.”
Naibaba ko ang earphones na hawak ko at napatingin sa kanya. “S-sorry for what?”
“Sorry for being insensitive. I should have thought about your personal feelings,” he said sincerely.
“Are you sorry because I have feelings for you? Don't worry hindi naman ako nagpapa-love back eh,” I joked then smile.
“No. I'm sorry kasi ang tanga ko. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Xia na hindi ko nakita na may ibang tao pa palang pwedeng mag-mahal sa'kin,” he said while looking directly into my eyes.
I blinked. “A-ano bang sinasabi mo dyan? Nilalagnat ka ba Xan---”
“Lets try it,” naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Xander. Nakatingin pa din siya sa'kin ng deretsyo at hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga titig niya.
BINABASA MO ANG
Clandestine: The Untold One | ON HOLD (UNDER REVISION)
Action[Book 1 of Clandestine Trilogy] Being the famous Astrid Montefalco is somehow, really cool. Sino ba namang hindi makakakilala sa BATAS ng buong school na sobrang ganda, sobrang yaman, sobrang talino... at sobrang sama ng ugali? Yeah, you read it rig...