CHAPTER 04: MISSION

153 93 9
                                    

Chapter 04: Mission

UNKNOWN

{Yes Boss. Naiintindihan ko po.} in-end ko na ang phone call at tsaka naupo sa swivel chair.

Nakakatuwang isipin na lahat sila napaglalaruan ko sa palad ko. They all believe that everything is on there right places. But the truth is, everything is in my hand. Hahaha!

Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga mukha nila na puno ng pagdurusa. Gusto kong maranasan din nila ang naranasan ko noon. At sisiguraduhin ko na triple ang sakit na ipaparanas ko sa kanila ngayon.

Malapit na.

ASTRID

“Hi Astrid. Wala bang hug si mama?”

Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ng personal ang boses ni mama. I waited for three years just to see her again, but now hindi ko alam ang gagawin ko.

Madrama na kung madrama, ganon ko kamahal si mama. Kaya ganon na lang ang reaksyon ko ng makita ko ulit siya after three years.

“I miss you so much mama.” hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko habang yakap-yakap ko siya.

Sa kanya lang ako ganito. Sa kanya ko lang pinapakita ang soft side ko.

“Sweety. I miss you too. Kaya nga napaaga ang uwi ko eh. It's supposed to be next week, but I can't wait to see you that's why I'm here. Don't cry Astrid. I do not trained you to be tough just to cry, remember?” she said while smiling at me.

Pinunasan ko ang luha ko. “Yes ma. I still remember that.” naupo na kami sa may sofa habang si Lia, yung secretary ni mama, ay nanatili lamang na nakatayo. I wonder kung hindi siya nangangalay dyan.

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan. Bastos! Hindi man lang kumatok.

“Oh my! Ashra your back! How are you? Bat hindi mo man lang ako sinabihan?”

Wow. Ang kapal talaga ng mukha. Hindi na nga kumatok, ang lakas pa ng loob ipamukha sa'min na it should be our obligation to tell her na andito na si mama. Tsk.

“Hindi mo ba alam ang knock before you enter?” sarcastic na sabi ko sa kanya. Oh well, dalawa pala sila. Kasama niya yung anak niyang si Leslie.

“Ahm. Hi Tita Ashra! You're so beautiful po pala noh? Hahaha!” bigla namang naki-epal 'tong si Leslie.

“Thank you for the compliment, pero hindi ko kasi maalala kung kailan kita naging pamangkin Leslie. Why are you keep on calling me 'tita' anyway? And you Leonara, it should be Madam Ashra. We're not that close for you to use my first name.”

Basag. Hahaha! Siguro alam niyo na kung kanino ko namana ang pagiging maldita.

Hindi naman makakibo ang mag-ina dahil sa sinabi ni mama. Simula pa lang naman kasi, hindi naman talaga sila magkaibigan ni mama. Isa lang naman si Leonara sa mga teacher na nagtatrabaho dito sa MIA. Sadyang nakulitan lang si mama sa kanya, kaya pinabayaan niya si Leonarang maging guardian kuno ko, pero hindi ang pagiging principal. Ewan ko ba dyan, at nag-self proclaimed na siya daw ang principal. Tss.

“Kung wala na kayong sasabihin, pwede na kayong umalis.” sabi ni mama at umalis naman yung mag-ina na nakabusangot ang mga mukha. Hahaha!

Napatigil ako ng tawagin ako ni mama. “Astrid.”

Napatingin naman ako kay mama na seryosong nakatingin sa'kin. Ayan na, nagsisimula na naman akong kabahan.

“Remember when I call you last time? I told you, you should be ready when I come back. Ngayon na nandito na ako, I want everything to be settled. And I assume that you're doing the things that I told you to do. Naiintindihan mo naman siguro ang sinasabi ko, hindi ba?” seryosong saad ni mama

Clandestine: The Untold One | ON HOLD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon