CHAPTER 15: SOMEONE TO PROTECT

70 52 0
                                    

Author's Note:

Happy 1k reads sweeties! Thank you so much for the supports. Kayo ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa pagsusulat. I promise to give you more exciting chapters for the next days so stay tuned!

P.S. I miss the Umizaki squad that's why I'm bringing them back.

Enjoy reading!


Chapter 15: Someone to Protect

UNKNOWN

“Did she like our partnership gift?” I asked Eros whose now sitting on our black leather couch.

Kakagaling niya lang sa Riyuzaki Academy at agad na dumiretsyo dito pagkatapos ng dapat niyang gawin doon.

He smirked. “I think so. And I guess she's so tempted to accept our offer. She really want to kill that Faulkerson.”

Tumayo ako at kinuha ang baril na nasa drawer ko. “I don't care whoever she wants to kill. As long as she'll accept our offer and be in our side, there'll be no problem,” I answered.

“But what if she doesn't?”

Kinasa ko ang baril ko at tinapat sa kanya. “Then you'll be dead,” seryoso kong sagot.

Tumayo siya at lumapit sa'kin habang tumatawa. “Alright alright, hands-up,” tinaas niya pa ang mga kamay niya na tila nang-aasar. “Hindi ka na mabiro. I'm just stating a possibility. Lalo na kapag nangeelam na ang Hotaru na 'yon,” biglang naging seryoso ang boses ni Eros at tinignan ako ng deretsyo.

Muli kong itinutok ang baril ko but this time, hindi na kay Eros kundi sa isang larawan na nasa target board.

“If that happens, we do not have a choice but to kill that man too.”

HOTARU

“Astrid! Where are you?”

Nagmadali akong pumunta kung saan nanggagaling ang usok. I'm sure Astrid is there.

Hindi nga ako nagkamali dahil agad ko siyang nakita na nakaupo sa sahig na nakatali pa ang kalahati ng katawan. Agad ko siyang nilapitan. “Astrid ayos ka lang?”

“Tsk. I'm fine,” masungit niyang sagot pero halata ko sa boses niya na pagod na siya. “Just help me remove this shit dahil gusto ko ng magpahinga.” dagdag pa niya.

I smirked. Kahit hinang-hina na ay nagagawa niya pa din akong sungitan, that's Astrid.

Inalis ko ang tali sa kanya at tinulungan siyang tumayo, ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo ay nawalan na siya ng malay marahil sa sobrang pagod at gutom.

Agad ko siyang sinalo bago pa ito tuluyang mahulog sa sahig. “See, you're not fine,” akma ko na sana siyang bubuhatin ng mapahinto ako dahil sa may biglang nagsalita.

“I should be the one to do that.”

Nilingon ko si Riyuzaki na kakapasok lang at nasa likod niya si Sandra.

“Oh my ghad! What happened to Astrid?” nagaalalang tanong ni Sandra na agad na lumapit sa'min. “I saw smoke kanina, iyon ba ang dahilan kung bakit wala siyang malay?”

Clandestine: The Untold One | ON HOLD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon