-10-

11 4 0
                                    

Jocelle

Pinagmasdan ko ang kalangitan habang nakahiga sa ilalim ng malaking puno dito sa likod ng school. Ang ganda nitong tignan lalo pa't asul na asul ang kulay nito. Isama mo pa ang mga ulap na parang may kani-kaniyang mga hugis. May mga ibon rin na lumilipad sa himpapawid na para bang walang problema. Muli akong pumikit at nag-isip-isip.

Napabuga ako ng hangin. I'm so stressed.

Ramdam ko naman na parang may gumalaw at may kung sinong tumabi sakin ngunit hindi ko na 'to tiningnan at hinayaan na lang.

"Your face.." Nagulat ako hindi dahil sa bigla siyang nagsalita kundi sa kung sino ang nagmamay ari ng boses na yun. Minulat ko yung isang mata ko at tiningin sa kanya, tama nga ako. "You seemed trouble." He said with concern written on his face.

"I'm not," malamig na ani ko at pumikit na ulit.

"You can't fool me, Celle. I know you better than anyone else," sagot niya, ramdam mong siguradong-sigurado talaga siya sa mga pinagsasabi niya.

Natawa ako ng bahagya. "Well, I'm not the person you knew better than anyone else now," sagot ko at minulat aking mga mata sabay tingin ng diretso sa kanya.

Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan niya lang ako, tila ba binabasa at sinusuri niya ang mukha ko. Hindi naman ako papatalo syempre nilaban ko rin ang mga titig niya ng isang blangkong tingin.

"At kung may bumabagabag man sakin, labas ka na dun." Dagdag ko pa at kitang kita ko na natigilan siya ngunit nakarecover rin agad. He chuckled.

"Well, hm." Nagkibit-balikat siya. "If you say so, ilang years na rin naman ang dumaan diba? 2 years, maybe?" He said and it made me cringe.

Napaikot ako ng mata. "Yeah, long enough para magbago," sagot ko at ngumisi sa kanya. Nakita ko kung pano umigting ang panga niya ngunit kumalma rin naman siya kaagad.

"Maybe I'm disturbing your sweet silence, so yeah, may I excuse myself?" Pagpapaalam niya. Hindi ko na siya sinagot pa dahil hindi naman na kailangan yun.

Pagkaalis niya ay humikab ako at napagpasyahang matutulog na lang.










Xiumin

Pagkatapos umihi ay zinipper ko na yung pantalon ko at ikinabit yung butones. Hay! Buti na lang walang nakakita kundi patay talaga ako dahil sa likod ako umihi. Ihing ihi na talaga ako eh! Tapos napakalayo pa nung CR kung tatakbuhin ko pa hindi nako aabot at baka maihi pako sa pantalon ko. Mas nakakahiya yun.

Nangiti akong napatingin sa palagid ngunit nagulat rin sa nakita.

S-si Kris ba yun? Tapos kasama niya s-si..Jocelle?

Tinitigan ko silang mabuti. Mukhang nag uusap sila, parehong seryoso yung mga mukha nila at parang malalim talaga yung pinag uusapan nila. Maya maya pa'y nakita kong ngumisi si Jocelle. Bakit kaya? Magkakilala ba sila? Bakit sila magkasama?

Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba iniisip 'to? Eh ano naman kung ganun nga? Napanguso na lang ako. Makabalik na nga lang sa practice room.

Nakanguso akong pumasok sa practice room namin. Wala namang nakapansin sa akin dahil abala sila kani-kanilang ginagawa, nagjajamming sina Chanyeol tas sumasayaw naman sina Kai at Sehun. Nagkukulitan naman sina Baekhyun at yung iba pa.

Lumapit naman ako kay Luhan at umupo sa tabi niya. Nag-angat naman siya ng tingin sakin at napakunot ang noo.

"Oh, ba't ganyan yang mukha mo hyung?" Tanong niya sakin at mas lalo pa akong napanguso.

TOTAL OPPOSITE: SERIES #1// Fire meets IceWhere stories live. Discover now