-04-

9 4 0
                                    

Keziah











Agad kong niyakap si Baekhyun pag kita namin sa CR. I miss him so damn much.

"Wifeeyy!" Mahigpit din akong niyakap ni Baekhyun pabalik at hinalikan ang buhok ko. "Na-miss kita."

"Ako rin, hubby. Hindi na kita nakikita." Ngumuso ako at kumawala sa yakap at tinignan siya. He pinched my nose kaya napahawak ako roon.

"Sabing wag yung ilong ko eh!"

"Hehehehe. Ang cute mo palagi sa reaction mong yan." Dinala niya ako sa likod ng CR kung saan mayroong tagong bench. Dito kami palagi nagkikita pero madalang na lang ngayon kasi parehong busy ang schedule namin. Idagdag mo pa ang mga fans na aligid ng aligid sa amin.

"Alam mo ba? Napagalitan kanina si Princess. " pag uumpisa ko nang usapan. Napatingin naman sakin si Baekhyun.

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Nakikipag text eh tapos hindi nakasagot sa tanong ni Miss." Sagot ko naman, nagiging curious na talaga ako. "Ewan ko pero palagi na siyang nakikipag text ngayon." Dagdag ko pa.

"Speaking of palaging nakikipagtext. Ganun rin si Jongdae tas nangingiti pa," natatawang ani Baekhyun. Bigla namang may pumasok sa isip ko.

Pero, posible kaya yun? Pwede namang sigurong hindi.

Malay mo nagkataon lang.

"Meant to be sila. HAHAHAHA!" Tawa niya at nakitawa naman ako.

"By the way, hubby. Kamusta practice niyo?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti. Nginitian niya naman ako pabalik at hinawakan ang kamay ko, interwining our fingers.

"Ito, palaging pagod. Halos araw-araw na kasi ang practice namin kasi malapit na ang Valentines Ball. Palagi ng busy kasi si Suho-hyung, hindi kami tinatantanan hangga't di namin ma-perfect ang prod." Paliwanag niya.

"Ilan nga ulit ang performance niyo, hubby?"

"Six lahat. From start hanggang end na yun. Kayo ba?" Tanong niya habang nakatingin sa akin at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"10 kami." Sabi ko at ngumuso. "Andaya naman!"

"Hahahaha! Because your group is highly recommended by the faculties. Para sa lahat kasi ang group niyo. Mapa-babae man o lalaki." Sabi niya at tinusok-tusok ang pisngi ko.

"E kayo ba hindi?" Natatawang tanong ko at nakitawa rin siya.

"Nakapagpractice na ba kayo?" Tanong niya.

"Hindi pa," pagkikibit ko ng balikat.

"Bakit naman?" Tanong ulit niya at napanguso naman ako.

"Ewan ko sa leader namin," sagot ko habang napanguso.

"Bakit ewan mo sa kanya?"

"E kasi hindi pa niya sinasabi kung magpapractice na kami eh. Palagi namang may plano yun." Paliwanag ko at tumangu-tango naman siya.

"Wifey." Tawag niya sa akin kaya naman nilingon ko siya.

"Hmm?"

"Date tayo mamaya. Miss na miss na kita." Malambing na sabi niya at niyakap ako mula sa likod. Animong inamoy-amoy niya pa ang buhok ko.

"I love that." Hinarap ko siya at hinawakan ang mukha niya. "We should go back in there. Baka hinahanap na tayo."

Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko.

"Mauna ka na. Di pwedeng sabay tayo." He said kaya naman tumango ako. Hinalikan ko siya sa labi bago tumayo.

"I love you, Baekhyun."

TOTAL OPPOSITE: SERIES #1// Fire meets IceWhere stories live. Discover now