-15-

4 1 0
                                    

Xiumin







"Xiuxiu gaano katagal mo nang kilala si Noona?" Tanong ni Jaehyung sakin habang naglalakad kaming tatlo pabalik sa kaniya kanyang practice room. Actually kanina pa akong iritang irita rito. Pang ilang tanong niya 'to, ayoko mang sagutin kaso baka magalit si Idol sakin hehe.

"Matagal na, actually."

"Ah! Girlpren mo si noona?" Nakangiting tanong niya sa akin kaya nagulat ako. Naimagine ko naman bigla na girlfriend ko nga si Jocelle. Napangiti ako sa naisip ko. "Huy! Xiuxiu!" Bahagya akong napatalon ng tawagin niya ako. "Siguro girlpren mo si noona no?"

"H-ha?! Naku, hindi!" Depensa ko naman at sumenyas pa.

"Eh bakit ka napangiti ng matanong ko? Siguro may crush ka kay noona no? Ayyiie! Crush niya si noona!" Tukso niya sa akin. "Noona!" tawag niya kay idol na nauuna sa paglalakad kaya nilingon kami nito.

"Oh?"

"Si Xiuxiu kasi noona---" Kaagad kong tinakpan ang bunganga ni Jaehyung kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya. Pilit pa niyang tinatanggal ang kamay ko at pumapadyak-padyak pa ang mga paa niya. "Mmph! Hmp mmph! mmpphhh!"

"Ah, hehehe! Wag--wag mong pansinin to." Napailing-iling na lang siya at naglakad na kaya naman binitawan ko na si Jaehyung.

"Whooo! Papatayin mo ba ako, Xiuxiu?" Reklamo niya matapos ko siyang bitawan. "Anyway, gusto mo ilakad kita kay noona?"

"A-ahahahaha.." Pilit ang tawang ani ko. "H-hindi na.. h-hindi ko naman siya g-gusto.." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Napangiti naman siya.

"Talaga? Edi sarili ko na lang ang ilalakad ko sa kanya. Liligawan ko si noona. Palagi pa naman kaming magsasama mula ngayon. Hehehe." Sambit niya kaya nanlaki ang mata ko. A-anong pinagsasabi nito? Ngumisi siya nang makita ang ekspresyon sa mukha ko. "Alam mo Xiuxiu, kanina nung napakalapit ng mukha namin ni Noona sa isa't isa ang bilis bilis ng tibok ng puso ko!" may pahawak pa siya sa dibdib habang nagsasalita. "Mas maganda pala siya sa malapita-- aw aray!" binatukan ko naman siya. Ewan ko kung bakit ko ginawa yun. "Para saan naman yun Xiuxiu?!" nakangusong tanong niya sakin at nagkibit balikat naman ako. Iniwan ko na lang siya at mabilis na tumakbo papunta kay Jocelle para makisabay sa paglalakad. Nang marating namin ang Practice Room nila ay nagpasalamat siya at bumalik naman ako sa Practice Room namin. Nakita ko pa ang pagtaas-taas ng kilay ni Jaehyung sa akin na para bang tinutukso ako. Tsk.







Jocelle


"Beeeh! Lunch na tayooo! Am so pagod na dai, juskoo. I need to be refreshen!" Rinig kong reklamo ni Precious matapos ang ilang kanta na prinactice namin pagkabalik ko galing library.

"Di ka na marerefresh. Asa ka pa. HAHAHAHA." Si Jae.

"Hiyang-hiya naman ako sayo aba! Di kita bati."

"Edi hindi. HAHAHA. Saka mahiya ka talaga, anggwapo ko masyado eh." Sabay pogi sign ni Jae at nagbelat kay Precious. Inambaan naman siya ng huli.

"Tara na, tara na. Baka sumabog itong room sa kakabungangaan niyo." Ani ko at nauna ng lumabas sa practice room. Kaagad na sumunod si Kez at si Princess na busy na naman sa pakikipagtext. Pangiti-ngiti pa amp.

"Yan! Ikaw kasi, ang ingay mo!"

"Anong ako? Baka naaasiwa lang si noona sa mukha mo kaya ganun. Diyan ka na nga!"

Rinig ko pang bangayan na naman nila. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si Jae, tapos biglang sumingit si Precious sa gitna namin. "Patabi, Celle ah? Hihihi---aray!" Bigla na lang hinila ni Jae si Precious palayo at siya naman ang tumabi sa akin.

TOTAL OPPOSITE: SERIES #1// Fire meets IceWhere stories live. Discover now