-11-

17 4 0
                                    

Jocelle











Pagkagising ko ay magtatanghali na kaya naman dumiretso na ako sa canteen. Pagpasok ko ay wala roon sina Precious, Princess, at Keziah kaya nagpagdesisyunan kong kumain na lang mag-isa. Nag-order ako ng Afritada, kanin at soda para sa pananghalian ko.

Naupo ako sa table malapit sa bintana at nagsimula ng kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapaisip. Kung sasabihin ko kaya sa kanila, ano ang gagawin nila? Ano ang magiging reaksyon nila?

Napailing ako. I shouldn't tell them. Baka magkagulo pa. Aayusin ko na lang 'to bago nila malaman. Gagawa ako ng paraan para mabago ang isip ni Uncle. Axis must stay up high that no one can reach it.

"Bakit kaya sila magkahiwalay?"

"Oh my gosh, don't tell me, buwag na sila?"

"Hala, wag naman sana!"

"Tignan mo oh. Di nila pinuntahan."

"Ano kayang nangyari?"

"Sino kaya ang may kasalanan?"

"Sana maayos nila kaagad."

"Nalulungkot ako. Naman kasi eh!"

Rinig kong bulung-bulungan ng mga tao rito sa canteen kaya naman napatingin ako sa paligid ko. Nakita kong nakaupo sima Precious, Princess at Keziah sa mahabang table wearing their pokerfaces maliban kay Precious na nakatingin sa akin na para bang gusto niyang lumapit.

"Stay there." I mouthed her kaya naman tumangu-tango siya at binaling na ang tingin sa mga kasama niya sa mesa.

Tumayo na si Kez para mag-order kaya naman pinagpatuloy ko na lang rin ang pagkain. Susubo na sana ako kaso may apat na lalaking umupo sa harap ko. Nakikilala ko ang dalawa pero yung dalawa pa ay hindi na.

Si Luhan at Xiumin saka isang lalaki malaki ang mata tapos isa ring mahaba ang baba na parang bakla.

"Anong ginagawa niyo dito?" Blangko ang expression na sabi ko sa kanila at sabay-sabay naman silang napalunok. Ayan na naman ang putanginang paglunok na yan.

"U-uh, k-kasi—" Pinutol ni Luhan si Xiumin. "Kasi napansin naming nag-iisa ka kaya naman gusto ka sana naming samahan ka." Pinanliitan ko siya ng mata.

"I can eat on my own. You don't need to eat with me." Sabi ko, nakita ko namang siniko ni Luhan yung may malaki ang mata.

"Hehehe. Ayos lang naman sa amin eh. We insist." Sabi nung may malaki ang mata.

"Pero sa akin hindi." Usal ko na ikinatigil nila pero nakarecover din naman kaagad.

"Bakit ba hindi sila sumabay sayo? Nag-away kayo nila wif— I-i mean, ng mga k-kagrupo mo?" Pag-iiba nung parang bakla sa usapan. Pinangunutan ko naman siya ng noo.

"Sino ba kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa nung may malaking mata kaya nagkatinginan pa sila bago sumagot.

"Ah, hehehe. Sorry, feeling close kasi kami. HAHAHAHA. I'm Baekhyun! Byun Baekhyun at your service!" Sabi nung parang bakla at sumaludo pa. Nagtawanan naman sina Xiumin at Luhan.

"I'm Do Kyungsoo. You can call me Kyungsoo or D.O." Nakangiting sabi nung may malaki ang mata, napatangu-tango naman ako at pinagpatuloy ang naudlot na pagsubo ko kanina. Nagsimula na rin silang kumain. Hindi ko napansin na may dala rin pala silang tray ng foods kanina.

Tahimik akong kumakain at sila naman ay nagdadaldalan sa harap ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa pagsama nila sakin sa pagkain o maiirita dahil ang ingay nila. Pinagtitinginan na rin ata kami dito.

TOTAL OPPOSITE: SERIES #1// Fire meets IceWhere stories live. Discover now