-13-

8 1 0
                                    

Jocelle



Hinihikab kong binuksan 'yung pintuan ng practice room namin upang makapasok. Napuyat kase ako kagabi kakanood ng porn. Don't get me wrong, porn is just my stress reliever. I just watched plainly. Nothing more, nothing less. Nasa loob na si Princess at si Precious ng room. Itong si Precious ay pinauna ko ng pumunta dito dahil baka makita pa nila kami na magkasama. Siya lang kasi ang hindi masama ang loob sa akin.

"Okay, let's start." Ani ko at pinlay ang music namin sa player. Nag-ikot ng mata si Princess nang pumwesto siya sa harap, sumunod naman si Precious sa kanya. "Where's Kez?"

"Nakikita mo ba dito? Wala di ba? Edi wala pa. Tsk. Tapos sisigawan mo pagdating?" Sarkastikong sabi sa akin ni Princess, nakakrus ang mga kamay na nakatingin sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata.

"I asked where she is, not if she's here or not." Walang emosyong sagot ko at napairap naman siya sakin.

"Yeah, yeah, whatever,"

Nakita ko namang napabuntong hininga si Precious sa gilid ng mga mata ko ngunit hinayaan ko na lang. Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa nito si Keziah. Agad naman siyang nilapitan ni Princess habang sinasamaan parin ako ng tingin ngunit hindi siya pinansin ni Keziah. Sa halip na pansinin si Princess ay tumakbo ito papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit bago mag umpisang umiyak at humagulgol. Nanlalaki ang mga mata ko siyang tinignan.

"Celle, s-sorry, sorry...sorry," paulit ulit na bulong niya habang niyayakap ako ng mahigpit. Nababasa na nga yata yung damit ko dahil sa pag iyak niya. Napabuntong hininga ako.

"For what?"

"Kez, bakit ka umiiyak? And why are you saying sorry to her?" Naguguluhang tanong ni Princess kay Kez na lumapit pa sa amin, nakairap pa rin siya sa akin.

"Celle, h-hindi.... hindi k-ko a-alam.... na g-ganun pala....sorry...sorry.." Umiiyak niya pa ring sabi kaya naman napakunot na ang noo ni Princess. Nilingon ko naman sila at nakitang umiiyak na rin si Precious. What the fuck is happening?

"Presh ba't ka umiiyak? LIKE BAKIT KAYO UMIIYAK?!" Gulong gulo na talagang bulyaw ni Princess.

"E-e..*sniffs*n-na...nakaka..i-iyak..huhuhuhuhu," humahagulgol na sagot ni Precious nito. Actually mga mukha silang tanga.

"T-teka, teka nga. What happened to you, Kez?" Sabi ko pa at iniharap siya sa akin. Tulo ng tulo ang luha niya na tinignan ako sa mga mata. "Who made you cry? Sabihin mo, reresbakan ko." Nagtangis ang bagang sabi ko at hinawakan siya sa mukha, iniabot sa kanya ang checkered kong panyo.

Hinantay muna namin siyang tumigil sa pag-iyak bago namin siya pinagsalita.

"A-alam ko na ang lahat, Celle. K-kung...bakit mo kami nasisigawan..kung..kung bakit palaging mainit ang ulo m-mo.." Nagpupunas ang luhang aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko ngunit di ipinahalata ang aking gulat ngunit agad ring nakarecover. A-alam niya? Paano?

Seryoso ko siyang tiningnan. "Paano mo nalaman?" Pilit kong hindi pinahalata ang pagtangis ng bagang ko.

"K-kay Baekhyun.."

"Humaygaaad, kay bebe Baekhyun, daaii?! How? When? Where? Why? What? Who?!" Biglang masiglang ani Precious. I ignored her and rushed out of our practice room. Madali kong hinanap ang gagong bakla na yun. Saan ko ba siya pwedeng makita?

Kung member siya ng EXO, edi nasa practice room siya nila.

Pinuntahan ko ang practice room ng EXO, hindi pinapansin ang mga lintek na fans na bumabati sa akin. Maharas kong sinipa ang pinto ng practice room nila at pumasok kaya napatigil sila sa pagsasayaw nila. Nakangiting kumaway pa sa akin si Luhan at nagulat naman yung iba pa na hindi ko kilala.

TOTAL OPPOSITE: SERIES #1// Fire meets IceWhere stories live. Discover now