Chapter 31
"Hi, baby." Malambing na bati ni Solenn kay Vulc nang makarating ito sa opisina nya. Ni hindi man lang sya tinapunan ng tingin ng binata at nagpatuloy sa pagtitipa sa laptop nya.
Umikot ang bilog ng mga mata ni Solenn at pilit na kumandong kay Vulc. "What the.." Vulc said. Kumunot lang ang noo nya at pagkuwa'y hinayaan lang ang babaeng umupo sa kandungan nya. Ayaw nyang makipagtalo dito dahil wala sya sa wisyo at alam nyang hindi rin sya mananalo. Isa pa, buntis ito at masyadong emosyonal.
"Baby, shopping tayo mamaya please? Gusto ko sanang bumili ng gamit para sa baby natin." Anya at ngumuso.
"Don't you think it's too early para dito? I mean, you're just 4 month-pregnant and we don't even know kung anong gender ng bata." Anya. Umiling ito at ipinulupot ang braso sa leeg nya.
"No. Pwede namang unisex ang kulay ng mga gamit na bilhin natin, e. Please? Ang boring kasi sa bahay, e. Tapos ang iingay pa ng mga anak mo." Sumimangot ito. He just sighed. "Okay."
"Yes! Thank you, baby!" Anya at hinalikan sya nito ngunit panandalian lamang. Pagkatapos ay umismid ito. "Speaking of those two, kailan mo sila balak ibalik sa nanay nila? I mean, you promised me na pakakasalan mo ko at syempre gusto kong magkaroon tayo ng totoong pamilya, Vulc." Solenn said. He massaged his temple with so much frustration. "I'll bring them back bago ka manganak. I promised. Just let me be with them just for now. After all, they were still mine." Anya. Tumango na lamang si Solenn at hindi na nagreklamo pa.
Totoo iyon, nangako sya kay Solenn na pakakasalan nya ito. Nung malaman nyang buntis ito at sya ang ama ay naniwala sya dahil sa kulay ng mga mata nito. Gayunpaman ay nagtataka pa din sya dahil sinisigurado nyang gumamit sya ng proteksyon noon pero hindi naman pwedeng magsinungaling ang mga mata nito at isa pa ay alam ng mga kapatid nya na fling nya si Solenn at hindi sila yung tipo ng "share-share" kung tawagin.
Bigla ay gumana ang pilyang isip ni Solenn at walang anu-ano'y hinubad ang pang-itaas na damit nya. "What are you doing?" Kunot-noong tanong ni Vulc sa kanya. Nakapagtataka man ngunit tila hindi tinatablan o naaakit man lang si Vulc sa tuwing aakitin sya ng dalaga. Pinagbibigyan nya na lamang ito dahil buntis at sa hormones nito. Mabuti na lamang at gumagamit sya ng proteksyon.
"I want you, Vulc." She said at hinalikan sya ng mariin sa labi ngunit agad nya itong pinigilan. "Please, Solenn. Not now, nasa office tayo."
Humikbi ito which made him sighed for the nth time. "Ayaw mo na ba sakin? Kasi malaki na tyan ko ha?!" Umiling si Vulc. "No, not that. It's just.. madami pa kong kailangang tapusin." Which is totoo naman. This past few days kasi ay lagi sya nitong kinukulit na wag ng pumasok. Kung tatanggi naman sya ay nag-iinarte ito. Kaya ayan, tambak ang trabaho nya. Isa pa, he doesn't like doing that thing with Solenn. Iba lagi ang pumapasok sa isip nya.
Napabalik ang tingin nya kay Solenn ngunit iglap lang ay parang si Maia na ang nakikita nya. Nakangiti ito sa kanya at napakaganda niyon sa paningin nya.
Napangiti sya. "Baby? Oh god.." Hinalikan nya ito ng mariin at agad din naman itong tumugon. They were kissing like there's no tomorrow. Vulc was kissing her para iparamdam kung gaano sya nangungulila dito. Nakapikit si Vulc at ninanamnam ang matamis at malambot na labi nito. "Maia.." Ngunit ng dumilat ay doon lamang sya nabalik sa ulirat. Sinampal sya ng malakas ni Solenn.
Marahan nya itong itinulak at pinaalis sa ibabaw nya. "Get out, leave me alone." He said. Tumayo sya at napasabunot sa buhok. Bakit ba hindi nya makalimutan ang babaeng iyon? Bakit ba ang lakas ng epekto nito sa kanya?
"Ano na naman 'to Vulc?! Si Maia na naman ba nasa isip mo ha?! Kelan mo ba makakalimutan ang babaeng iyon?! My god! Sumama na nga sya sa ibang lalake diba?" Parang gusto nyang sakalin at putulin ang dila ni Solenn ng mga oras na iyon ngunit pinigilan nya ang sarili. Bagkus ay lumapit sya sa lamesa at nagsalin ng wine at agad na tinungga iyon.
"Vulc please.. kalimutan mo na sya. Paano ka makakaalala kung sya ang lagi mong iniisip? Sabi mo 'love' ang susi para makaalala ka diba? Andito na ko oh! Mahal kita! Ako ang susi para makaalala ka at hindi sya. Hindi ka nya mahal Vulc." Nag-igting ang panga nya at sinamaan ito ng tingin.
Tama naman ito. Love is the only cure para magbalik ang alaala nya. Pero hindi naman sya mahal ni Maia kaya tinanggal nya ito sa buhay nya at si Solenn ang ipinalit nya. Si Solenn na mahal na mahal sya at handang ibigay ang lahat sa kanya.
It's been three months magmula ng pinaalis nya si Maia sa mansyong iyon. Matapos nun ay hindi na sya nakarinig ng balita sa dalaga. Yes, may pera sya para magpa-investigate o ipahanap ito ngunit pinipigilan nya ang sarili. Para saan pa? May mahal na nga itong iba at tatay lang naman sya ng mga anak nito. Sa oras na bawiin nito ang mga anak ay ibibigay nya naman kaya hindi na kailangang hanapin pa.
Ngunit hindi man nya ito ipahanap ay alam nya sa sariling hinahanap naman ito ng puso nya. Yes, he's hurt at hindi nya alam kung bakit. Hindi nya mapangalanan ang nararamdaman sa dalaga. Pamilyar iyon ngunit para sa kanya ay ngayon nya lamang naramdaman.
Naninikip ang dibdib nya sa isiping wala na ito sa tabi nya. He's always asking his self kung kamusta na ba ito at kung nasaan na ba ito ngayon.
He's a beast. Aminado sya at hindi nya dapat ito sinaktan noon. Pero nagawa nya lamang iyon dahil sa matinding galit at selos. Gusto nya ay sa kanya lang si Maia. Gusto nya ay sya ang mahal nito at kung hindi ito makuha sa madaling pakiusap ay dinaan nya iyon sa dahas at yun nga. He hurted her physically and emotionally.
Bigla ay nanakit ang ulo nya. Napahawak sya sa buhok sa tindi ng sakit niyon. Tila ba pinipiga ang utak nya.
"V-vulc!" Solenn panicked at mabilis syang dinaluhan. Bigla ay lumitaw sa memorya nya ang ilang imaheng pamilyar sa kanya ngunit malabo iyon.
Yung babaeng nakita nya sa isang restaurant at nakipagtitigan sa kanya. Yung babaeng nakita niyang naglalasing sa bar at iniligtas nya sa lalakeng nagtangkang pagsamantalahan ito. Yung babaeng ninakaw ang pangalan ng company nya para gawing pangalan ng pabango nito. Yung babaeng kinabaliwan nya at yung babaeng minahal nya at tinanggap ang lahat sa kanya noon.
Unti-unti ay luminaw ang imaheng iyon sa isipan nya. And there he saw the woman he truly loves. The face was similar to the girl he hurted physically and emotionally. Ito rin yung babaeng pinaghirapan nyang bawiin, yung babaeng pinalayas nya sa mansyon, yung babaeng ina ng mga anak nya at ang babaeng dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon.
"M-maia.." That was the last word he said before everything went black.
To be continued.
alonziibun
BINABASA MO ANG
Smitten With A Beast (R-18) (COMPLETED)
Ficción GeneralHindi inakala ni Maia na magagawa siyang saktan ng taong minahal niya ng tatlong taon. Isang malaking dagok sa puso niya ang pagtataksil ng nobyo-at sa sobrang sakit, napadpad siya sa isang bar... where everything began to change. Doon niya nakilala...
