Ang mga alaalang kasa-kasama pa kita
Mga panahong mundo nati'y puno pa ng saya
Pawang isip ko'y binabangungo't ginugulo sa t'wina
'Di ko kayang kalimutan ka at magising sa katotohanang wala ka na
Bawat gawin ko sa buhay nati'y sumasalamin
Isipa'y naguguluhan sa kung ano ang aking dapat gawin
Kinakailangan ko ng tanggapin at ang bukas ay aking harapin
Pipilitin ko na ang mga alaala ay limutin at pigilin itong aking damdamin
Ako ay dinadalaw pa rin ng ating masasayang nakaraan
Na pilit kong binabalik-tanaw kahit masakit mang tanggapin na ang kahapo'y 'di na kayang balikan
Ang matagal nating tinahak na daan ay 'di pa rin tiyak kung makakayanang lagpasan
At ang bawat alaalang iyong iniwan ay kailan pa nga ba mawawala dito sa'king isipan
Babalik at babalik pa rin ang mga alaalang iniwan mo sa akin
Bitbit ko pa rin ang mga pangakong 'di mo na kaya pang tuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako'y haharap sa salamin at kahit ano pang aking gawin
'Di na kaya pang ayusin sapagkat nagbago na ang iyong dating pagtingin
Gustuhin ko man na relasyon nati'y isalba ngunit 'di na kaya pang maresolba
Dahil dinaan mo sa biglaan ang 'yong pagkawala at yung tayong dalawa tila'y balewala
Tila ang tulad ko sayo'y wala man lang ni isang halaga kung kaya't pagtingin mo'y ibinaling sa iba
'Di man lamang nasambit ang mga salitang paalam na, mahal kita at salamat sa buhay ko'y dumating ka
Pinilit kong itama 'tong aking bawat pagkakamali
Ngunit pagbitaw mo sa aki'y tila gano'n lamang kadali
Binalot na ng pait itong aking pekeng mga pag ngiti
At ang matatamis kong tawa na sa likod nito'y hikbi
Dahan-dahang ipinikit ang mga mata upang 'di ko na makita pa na wala na talagang pag-asa
Kahit masakit ay hindi ko na ininda dahil ligtas ka sa piling niya
At itong salamin nalamang ang naglalarawan at magpapa-alala sa nakaraan na'ting dalawa
Na kahit pinaglayo man ng landas at ang hakbang man nati'y nag-iba, tangan ko pa rin lahat ng mga nagdaang alaala
![](https://img.wattpad.com/cover/141726239-288-k645621.jpg)
BINABASA MO ANG
Anatomy of a Broken Heart
PoetryAng librong ito ay isang kompilasyon ng iba't-ibang makadamdaming mga tula tungkol sa kasawian, kasiyahan at kalungkutan sa pag-ibig. Makakabasa ka rin dito ng mga maiikling kwento at mga babasahin (love advice) na magpaparamdam sa iyong hindi ka na...