Isa siya sa mga biktima ng mapanghusgang lipunan
Isa siya sa mga taong tuluyang kinalimutan ng sambayanan
Ang dating batang masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan
Ngayo'y lulong sa bisyo, alak at sa sigarilyo
Hindi na siya ang dating batang pinagmamalaki ng madla
Hindi na siya ang batang binuhay ng kanyang ama't ina
Siya ay isa na sa mga taong naligaw ang direksyon
At natuon sa kamaliang intensiyon
Wala na ang dating pagiging masiyahin niya
Na sa bawat sayang nadarama niya ay pawi ang lungkot na kanyang dala
Tila wala na ngang makakapawi ng mga lungkot niya
Maliban nalamang sa paghithit ng shabu, droga at marijuana
BINABASA MO ANG
Anatomy of a Broken Heart
PoesíaAng librong ito ay isang kompilasyon ng iba't-ibang makadamdaming mga tula tungkol sa kasawian, kasiyahan at kalungkutan sa pag-ibig. Makakabasa ka rin dito ng mga maiikling kwento at mga babasahin (love advice) na magpaparamdam sa iyong hindi ka na...