[#3 Tula] Kaibigan Kita, Hanggang Doon Nalamang Talaga

42 4 0
                                    

Sa bawat pag-ikot ng mga kamay ng orasan

At paglipas ng mga oras sa mundong ating kinagagalawan

Nararamdaman ko ang isang hindi maipaliwanag na kasiyahan

Kasiyahang ikaw lamang ang natatanging dahilan


Ikaw, ang natatanging dahilan ng mga ngiti at sayang aking nararamdaman

Na nagiging dahilan kung bakit minsa'y nawawalan na 'ko ng pakialam

Dahil pakiramdam ko tayong dalawa ay lihim na nagmamahalan

Ngunit unti-unti nalamang mapapalitan ng mga salitang, kaibigan ka lamang


Ngunit sa bawat sandaling tayo lamang ang nagmimistulang tao sa mundo ko

Mga hindi maipaliwanag na saya ang tanging makikita mo sa mga mata ko

Sayang hindi mapapalitan ng kahit na anumang bagay o halagang naisin ko

Dahil ikaw lamang ang nag-iisang talang makikita ko, dito sa harapan ko


Mistulang isang telenovelang kinakikiligan ng buong mundo

Na ako ang inatasang magliligtas sa nag-iisang bidang katulad mo

Ang haharap sa bawat problemang darating sa mundo

At sa huli ay magsasaya dahil sa nagtagumpay ako


Masasabi ko ng napakasarap talaga ang mabuhay

Lalo kung ikaw ang makakasama habang-buhay

Na harapin ang mga dumarating na lumbay

Malalagpasan natin 'to lahat ng sabay


Maniniwala na sana ako ngunit naalala ko na sa istoryang isinulat ko

Ay hindi mababasa ang mga pantasyang nakasaad sa mga sinabi ko

Wala nga palang tayo sa mundo, wala akong papel sa mundo mo

Dahil ang katotohanan, isang 'di hamak na kaibigan mo lamang ako


Kaibigan na magsisilbing iyong kandungan sa tuwing kayo ay nagkakatampuhan

Ang magsisilbing panyo na pupunas ng mga luha sa tuwing siya ay iyong iniiyakan

Ako ang magpaparamdam sa'yo na sa mundong ito, may taong hindi ka bibitawan

May nag-iisang taong hindi magsasawang ikaw ay samahan at mahalin bilang kaibigan

Anatomy of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon