Ikaw, oo ikaw na siyang nagpa-ibig
Sa puso ko ay siyang nagpaligalig
Nagpapasaya sa bawat oras at sandali
At pumapawi sa sakit at hikbi
Ikaw, ikaw na siyang sa'kin nagpa-ibig
Nagparamdam muli ng tunay na pag-ibig
Pangako sa'yong hindi na muling pipili
Halika na dito sa aking bisig
Ikaw na siyang sa akin nagpa-ibig
Hindi ka na maalis sa'king isip
Ikaw nalamang ang siyang aking bukambibig
Naka-ukit ang ngalan dito sa'king dibdib
BINABASA MO ANG
Anatomy of a Broken Heart
PoesiaAng librong ito ay isang kompilasyon ng iba't-ibang makadamdaming mga tula tungkol sa kasawian, kasiyahan at kalungkutan sa pag-ibig. Makakabasa ka rin dito ng mga maiikling kwento at mga babasahin (love advice) na magpaparamdam sa iyong hindi ka na...