Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na pagkabigo at paulit-ulit na nasaktan? Dahil lamang sa ikaw ay nagmamahal nang lubusan?
May mga bagay noong una hindi ko maintindihan. Ang daming tanong sa sarili ko kung hanggang saan nga ba ang hangganan ng tunay ng pagmamahal. Kasi dati wala akong pakialam kasi alam ko lang na mahal ako eh, kampante ako na walang mangyayari di maganda kasi ok naman lahat. Hindi naman kayo nag aaway, masaya kayo pero deep down inside meron palang mali. Ayaw mo lang tignan. Kasi nga mahal mo yung tao. Masaya ka na magkasama kayo kahit ilang libong beses mo kalimutan sa isip mo yung sakit na nararamdaman mo sa sitwasyon nyo.
Haha nakakatawa lang na isang iglap paggising mo eto bubulaga na lang sayo yung totoo. Sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao hindi mo alam na sarili mo na pala mismo ang napapabayaan mo. Naka focus ka na alagaan lang sya, ipagluto sya, i make sure na pag alis nya nkahanda n baon nya, syempre kasama ka din dun na kakain, na pag uwi nya kahit parehas kayong pagod sa trabaho magluluto ka kasi gusto mo na makakain sya at ikaw din. In short ginagawa mo lang pagsilbihan sya dahil yun ang gusto mo at nagpapasaya sayo. Masaya ka na alagaan sya na hindi mo napapansin sa sobrang pagmamahal mo nkakalimutan mo na din pla ang sarili mo. Ang dami mong mga bagay na hindi pinapansin kasi lahat ng atensyon mo binigay mo sa knya.
Ikaw hindi mo napapansin na unti unti ngbabago ang pisikal na anyo mo at isa dun ang pagbabaya sa sarili mo, kung nagiging manang ka na or unti unti na din nadadagdagan ang timbang mo.. wala kang pakialam at para SAYO ok lang yun kasi nagagawa moa ng tungkulin mo bilang asawa or gf nya kasi masaya ka. Yung hindi importante sayo ang pisikal na anyo mo kasi alam mo nmn na minahal ka niya kahit sinu ka pa.
Tpos parang ikaw sa huli mo nlng marerealized yung mga bagay na hindi nmn sumagi sa isip mo nuon biglang bubulaga sayo kasi iniwan k n pla dahil sa mga imperfections mo sa buhay, sa mga bagay na dati meron ka pero hindi na nya nakikita sayo dahil may tinititigan na syang iba.. Biglang lahat ng attention na nasayo dati wala na dahil busy na sya... Busy na sya sa iba...
Nag iba na ulit ang gusto nila, nakalimutan na nila na committed pla sila sa isang relasyon kasi nawalan na sila bigla ng gana sa unti unti mong pagbabago (which is for me dapat nde un counted sa isang relasyon kasi unang una nde nmn kau ngkagustuhan lang dahil sa pisikal na anyo eh dahil mahal nyo ang isat isa, na sa ngaun parang hindi ko na din pinaniniwalaan) Biglang gusto n pala nila yung mga babaeng nkakapagdamit na kulang na lang ilabas lahat ng meron ipakita, yung mga babeng may kurba.. masakit man aminin pero yang ang realidad ngayon.. sabi nga nila if you have it flaunt it, sa sobrang magflaunt nila kahit alam nilang may karelasyon na aagawin pa din nila.
Uso ba talaga ang agawan ngayon? Wala nmn nagpapaloko kung walang manloloko diba....
Dahil sa pangyayaring yun naisip ko bakit sa ganun lang nahantong lahat, diba ang dapat nga nila ipagmalaki sa lahat yung mga babae pa din marangal at kagalang galang. Hindi Yung maipagmamalaki sa mga tropa mo na uy bro GF ko sexy no. Masakit diba, Haha too much insecurities had led me to this until now. Sobrang conscious ko ngaun grabe kpag titignan ko mga picture ko during that time grabe isa akong taong di mo tlaga kayang ipagmalaki sa tao, im too close to being called dabyana.. alam ko iba iba nmn ang mga lalaki at di lahat sa pisikal lang tumitingin pero that moment I really felt ugly and ashamed to my body... dun ko lang nakita na ang laki pla talaga ng pinagbago ko dahillang sa pagmamahal sa knya... Hindi mo pla makikita yun sa una dahil bulag ka sa kanya.... Gagawin mo ang mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin, pero nagawa mo alang-alang sa ngalan ng pag-ibig sa taong mahal mo. Pero, dumadating ka din ba sa point na halos natatakot ka na? Sa mga ginagawa mo at sa mga nangyayari?.Kung ikaw ang tatanungin ko:
1. Would you rather stay in that relationship na halos hindi ka na nirerespeto ng partner mo or aalis ka na lang dahil sa sobrang sakit na naidudulot nito sau?
2. Ipaglalaban mo ba ang pagsasama nyo dahil matagal na kayo o bibitaw k na lang dahil sa haba ng pinagsamahan nyo niloloko k lang pla ng mahal mo?
Mahirap mamili diba kaya dumadami tayo sa mundo... ang importante pa din sa atin ang pagmahahal sa mga puso natin para sa knila. Magmukha man tayong tanga at anu man ang sabihin ng iba wala tayong pakialam kasi mahal natin.
People always think that the most painful thing in life is losing the one you value. The truth is, the most painful thing is losing yourself in the process of valuing someone too much and forgetting that you are special too.#nakedthruth#5 #mynakedtruth
Please follow my social media accounts:
Instragram and Twitter : @nakedthruthph
Facebook: @neyked.truthph
YOU ARE READING
My Naked Truth!
RandomPlain and unadorned facts, without concealment or embellishment. The complete truth.