F O O L 😡

2 0 0
                                    

Hello, I'm back. It's been a while...

Yesterday while I'm browsing all of the photo's me and my x boyfriend has, I came to realise on one thing.

During our first year together syempre you both look good in shape, appearances as in sa lahat lahat... you have to impress both parties right, aminin mo totoo yan... dapat presentable ka sa kapag Makita ka ng mga kaibigan nya or ng mga kapamilya nya.... (siguro naman na experienced nyo din yan) you have to get their approvals para alam mo yun like oh yes ok na ako sa kanila..... you will have a good start lahat positive though physical appearances is just 2/4 lang ng elements ng isang magandang pagsasama....

Years and years will pass, magbabago at magbabago ang hitsura nyo, minsan u will maintain kung anung meron kau sa umpisa pero meron din tlgang magbabago... (you know what I mean).
Eto na nga, meron plang year na talagang I look like big talaga as in pero you can see on us that we still love each other. You can see the happy faces and sweetness pa din.... Yung parang inlab pa din kau sa isat isa..... Walang insecurities, u feel secured, no need to filter you photos just for you to look good on the pic that u will post through soc med. As in positivity lahat..... tapos later on bumalik kayo sa appearances nung una kayong ngakita kasi you both decided to have a healthy lifestyle kumbaga.... Everything is ok untillllll.......

Then hindi nmn lahat masaya, dumating na yung time na You will forget to love yourself in valuing your feelings towards your partner. You will do everything mapasaya mo sya kahit makalimutan mo na din alagaan ang sarili mo...Tumaba ka ulit, then ngboom yung ibat ibang klaseng apps sa phone, mga soc med....then dito papasok ung mga temptations....Tayong mga babae kasi aminin natin mas madali tayong magdepreciate when it comes to looks kesa sa mga lalaki....Hindi ko naman nilalahat pero sa nangyari sa akin kasi parang na generalised ko nan a nasa akin lahat ng mali bakit nde nagwork yung relationship namin.

Simula kasi naghiwalay kami lahat ng insecurities has come along my way... and the worst thing on it nadadala ko sya until now. Parang takot na akong humarap sa tao dahil pakiramdam ko they will judge me lang sa appearances ko and not kung anu talaga yung ugali ko...

Una inisip ko talaga lahat ng mali ay nasa akin pero nung Makita ko yung mga pics naming before dun ko lang narealised na kung talagang lolokohin ka ng isang tao lolokohin ka talaga.....hindi dahil may mga panget sa hitsura mo kundi gusto nya lang talagang sirain yung relasyon nyo, at hindi ka na nya MAHAL un lang yun..... magbibigay sya ng mga dahilan na gusto ko lang ng break for our relationship kasi we've been together for such a long time, gusto ko lang hanapin ang sarili ko, gusto ko lang magpahinga....HAHAHA yun pala gusto lang makipaglandian sa iba. Sad but true.... Truth hurts hahaha nasasayo na lang kung paano mo tatanggapin yun. Ang maiwan ng taong mahal mo, yun yung scenario na hindi natin mape-predict basta basta lalo na kung yung taong yun eh hindi na masaya sa relasyon, hindi ka na niya nakikita sa future niya, at ang worst eh hindi ka na niya mahal.

And para sa inyong mga lalaki,

Sana kung mang iiwan man kayo, pwede yung maging totoo naman kayo kung bakit hindi na tayo pwede sa isa't isa. Kasi the idea itself na iiwan nyo kami is already painful, what's torture is hindi nyo man lang ipaalam kung bakit, kung anong nagawa namin, kung saan kami nagkulang o sumobra, hindi yung wala kang alam, basta nalang naiwan ka sa ere. Ibigay nyo yung katotohanan, para alam namin kung bakit wala na talaga. Hindi mo naman maiiwasang makasakit ka ng tao lalo na kung nagpapakatotoo ka lang sa sarili, because that's how truth works. Truth can give us relief or a big slap in the face. Para maging fair naman for both parties...

Kaya kayong mga girls please wag na wag nyo iwawala sa sarili nyo ang self value....kasi sarili mo lang din ang makakatulong sayong bumangon.... Lahat ng tao sa mundong 'to nasasaktan at walang obligasyon ang mundong protektahan ka. Hindi dahil mabait ka o meron kang mabuting puso. Hindi ibig sabihin no'n hindi ka na makaka iwas sa sakit, iiwanan ka o lolokohin ka. It doesn't work that way.

So ang lesson dito is acceptance and one day you will tell to yourself and to everyone na I'm getting better, better and better now.

#nakedthruth#8 #mynakedtruth

Please follow my social media accounts:

Instragram and Twitter : @nakedthruthph

Facebook: @neyked.truthph

My Naked Truth!Where stories live. Discover now