Sa buhay ng isang tao di maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan lalong lalo na pagdating sa pagkakaibigan.
Walang perpektong tao sa mundo lahat tayo may nasasabi at masasabi sa ibang tao.
Mapa maganda or masamang sasabihin ang ending Friendship over or Forgiveness.
Paano mo makukumpara ang mali sa tama? Ang masakit sa totoo? Paano mo mababawi ang mga panahon na nasayang kung tuluyan na itong nawasak.
Sabi nga nila hindi naman tayo mabubuhay sa kung anung sasabihin sa ating ng ibang tao. Ang importante alam mo sa sarili mo ang totoo.
Kapag nagalit ka sa isang tao, maraming mga bagay na mailalabas mo sa ibang tao na kasiraan niya, pwedeng totoo pwede din nmn imbento mo lang.
Pero dapat kaya mong panindigan ang sarili mo kapag nagkaroon ng pagkakataon na pagharap harapin kayo panahon.
Madali naman magpatawad sa mga taong humihingi nito at tanggap sa sarili ang pagkakamali, katulad ko marunong akong mag sorry kung alam kong ako ang may mali.
Ikaw, kaya mo bang humingi ng tawad sa taong nagawan mo ng pagkakamali, yung tipong nasira na siya sa lahat ng tao dahil sa kagagawan mo? Hihingi ka nga ng tawad pero uulit ulitin mo pa din?
Paano? Open for comments please.....
#nakedthruth#9 #mynakedtruth
Please follow my social media accounts:
Instragram and Twitter : @nakedthruthph
Facebook: @neyked.truthph
YOU ARE READING
My Naked Truth!
RandomPlain and unadorned facts, without concealment or embellishment. The complete truth.